ABS-CBN studios may ilalabas na pasabog; Coco, may mga bagong recruit
Sunud-sunod ang pasabog ng mga primetime show ng ABS-CBN Studios sa pangunguna ng FPJ’s Batang Quiapo sa pagbubukas nito ng bagong kabanata para ipagdiwang ang unang anibersaryo ng programa.
Naglabas ng pasabog na trailer ang FPJ’s Batang Quiapo para sa bagong yugto ng serye kung saan tampok ang mga kaabang-abang na rebelasyon at mga panibagong karakter na makikilala ni Tanggol (Coco Martin) sa pagsisimula niya ng bagong buhay tulad nina Tessie Tomas, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Malou Crisologo, Elijah Canlas, Ara Davao, Dan Alvaro, Renz Fernandez, at Yce Navarro.
Tuluy-tuloy din ang selebrasyon ng Batang Quiapo dahil pinangungunahan ni Coco ang cast sa pag-iikot nila sa iba’t ibang parte sa bansa para pasalamatan ang mga tumatangkilik at nagmamahal sa programa. Susunod naman silang susugod sa Baguio ngayong Marso 2.
Samantala, gabi-gabi pa ring masusubaybayan ang Kapamilya primetime TV experience sa panonood ng bawat episode ng mga paboritong teleserye ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Mapapanood ang mga makapigil-hiningang eksena sa Linlang: The Teleserye Version kada 8:45 PM dahil nabuking na ni Victor (Paulo Avelino) ang panloloko sa kanya ng asawang si Juliana (Kim Chiu) kasama ang kapatid niyang si Alex (JM de Guzman).
Walang humpay na kilig naman ang hatid nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan) kada 9:30 PM sa Can’t Buy Me Love kung saan mas lumalalim na ang kanilang relasyon kasabay ng pagbabalik ni Annie (Ina Raymundo) sa kanilang buhay upang mabunyag ang katotohanan sa kani-kanilang nakaraan.
Good vibes din ang bawat weekend dahil mapapanood na ng back-to-back ang bagong season ng The Voice Teens (Sabado ng 7:15 PM at Linggo ng 7 PM; weekends ng 7:15 PM sa TV5) at I Can See Your Voice (Sabado ng 8:45 PM at Linggo ng 8:30 PM; weekends ng 8:45 PM sa TV5).
Samantala, may pagkakataon manalo ang viewers ng halos P1.5 million total prizes sa Primetime Panalo. Para sumali, kailangan nakatutok sa FPJ’s Batang Quiapo, Linlang, Can’t Buy Me Love, The Voice Teens, at I Can See Your Voice sa alinmang platform - Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, o iWantTFC, i-scan ang QR code na ifa-flash sa screen o maglog-in sa www.joinnow.ph/KOL, at i-submit ang sagot sa question of the day.
Pwede na ring makisaya ang viewers sa online tambayan sa live gap show sa Kapamilya Online Live na Primetime Bayan, kung saan gabi-gabing makakachikahan ang hosts na sina Melai Cantiveros at Jennica Garcia.
- Latest