^

PSN Showbiz

Jericho, kinikilig kay Kathryn?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jericho, kinikilig kay Kathryn?!
Kathryn Bernardo

Ayon sa ilang kaibigan ni Jericho Rosales, napapangiti lang daw ito kapag itinutukso siya kay Kathryn Bernardo.

Nagdududa na ang ilan kung meron bang namamagitan sa dalawa o baka namamalisyahan lang ang closeness nila.

Napapansin na rin ng ilang netizens ang pagko-comment niya sa Instagram post ng young superstar.

May comment ang Kapamilya actor sa isang IG post ni Kathryn na sinabi niyang, “You go girl. Proudaya.”

Bukod sa namataan silang magkasamang nagdya-jogging, may lakad daw sila kasama ang ilang kaibigan.

May ‘something’ daw kaya silang dalawa na hindi pa alam ng karamihan?

Nakita silang magkasama pagkatapos napabalitang matagal nang hiwalay si Jericho sa kanyang asawang si Kim Jones.

Wala naman daw sagot si Echo sa ilang nagtutukso sa kanya, kundi napapangiti lang daw ito.

Kaya malay raw natin, kung may nabubuong magandang relasyon sa dalawa.

Posible rin daw na merong nilulutong film project na pagsasamahan nilang dalawa.

Beaver, may pa-sapatos sa promposal kay Mutya

Hindi nakadalo si Claudine Barretto sa grand media conference ng pelikulang When Magic Hurts ng REMS Productions na ginanap sa Luxent Hotel nung Sabado ng gabi.

Kung nandun pa si Claudine, baka nga mas napansin siya kesa sa mga bida ng pelikulang ito na sina Beaver Magtalas, Mutya Orquia at si Maxine Trinidad.

Kasali rin sa pelikulang ito sina Dennis Padilla, Angelica Jones, Soliman Cruz, Julian Roxas, Pantene Palanca at marami pa.

Natapos naman ang media conference ng When Magic Hurts ng promposal ni Beaver kay Mutya na kung puwedeng makasama niya ito sa Star Magic Ball.

In fairness naman kay Beaver, pinag-isipan nang husto ang promposal niya na kung saan binilhan pa niya ng sapatos na isusuot ng kanyang ka-loveteam.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with