Mariel kumita sa mga pamba-bash, Sen. Robin baby boy ‘pag katabi ang ina
At the end of the day, nagamit ni Mariel Rodriguez ang pamba-bash sa kanyang negosyo. Imagine hindi siya naapektuhan at nung nag-trending siya, nagbenta pa siya sa TikTok.
Ito ay may konek nang gawin niyang ‘walking clinic’ ang senado, ang office ng mister niyang si Senator Robin Padilla.
Naging popular live pa siya sa TikTok.
See, ganun ang mga Pilipino. Hahaha.
Iilan lang kumbaga ang naapektuhan dahil ang bilis lang magbago ng isip ng karamihan.
Kung iba siguro si Mariel baka nahiya siyang magtinda dahil may nagawa siyang kumbaga ay hindi normal sa isang sangay ng gobyerno – sa opisina ng mga senador na pang-tatlo sa pinaka-mataas na posisyon sa ating bansa.
Lalo na’t sinasabi pa na ang drip or infusion ay unsafe pa diumano na siyang ginawa ni Mariel.
Matatandaan na una nang sinabi ng FDA (Food and Drug Administration) sa isang article na lumabas sa kanilang website na “Side effects on the use of injectable glutathione for skin lightening include toxic effects on the liver, kidneys, and nervous system,” ang nakasaad sa nasabing article ng nasabing ahensiya ng gobyerno.
Sa true lang ang lakas kasi ni Mariel sa social media kaya naman effective talaga siyang endorser.
At sabi nga niya maganda ang epekto nito sa kanyang katawan kaya talagang kahit saan, kailangan niyang gawin.
At bago ang kontrobersyang ito ay napuna na rin ng ibang netizens ang bagong negosyo ng former TV host na Korean products. Bongga raw si Mariel mas piniling ibenta ang Korean products kesa local.
‘Yun nga lang hanggang ganun lang naman ang bashers ni Mariel. Ang ending siya ang kumikita.
Nauna nang nabanggit ng isang source na diumano ay kumikita ang bawat live selling ni Mariel ng tumataginting na P15 to P20 million.
Totoo kaya?
Ganun diumano kalaki dahil ang mga tinda naman niya ay luxury items like Channel, Dior, Louis Vuitton among others na pawang pre-loved. At may partner naman daw dito si Mariel hindi nito solo ang nasabing negosyo.
Saka ang advantage niya sa ibang online sellers, lahat ng items niya ay authentic. Walang imitation.
Kaya ang winner, ang wais na misis, si Mariel.
Anyway, nauna nang naglabas si Sen. ng statement at nag-apologize sa drip issue ng misis “It’s funny. It has become a political issue. My goodness. If they found anything wrong with the picture, I apologize.”
Kahapon nag-chat ako sa manager ng aktor-senador na si Ms. Betchay Vidanes kung ano pang reaction niya na ayaw tigilan si Mariel ng bashers.
Pero nag-aalaga raw ito sa inang si Mommy Eva Cariño na kaka-celebrate ng 87th birthday.
Nakakatuwa na parang bata ang senador na nakayakap sa inang nasa higaan. “Baby boy pag katabi niya si Mama Eva,” say ni Ms. Betchay.
MMFF movies pwede na sa platforms, mga senador saludo sa rewind
Nakasaad sa agreement ng MMFF (Metro Manila Film Festival) at producer ng mga pelikulang napanood sa film fest last year na after two months ay saka lang ito mapapanood sa mga streaming platform.
Kaya asahang hindi lang ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera ang mapapanood na sa mga streaming platform.
Nauna nang naibenta ang Mallari ni Piolo Pascual and Firefly sa ibang streaming.
Pero wala pang sinasabi kung kailan ito ipalalabas.
Samantala, binigyang pagkilala ng Senado ang mga artista at buong production team sa likod ng Philippines’ highest-grossing film na Rewind, na mapapanood na sa Netflix simula Marso 25.
Isinaad ni Sen. Robin Padilla sa Senate Resolution No. 909 kung saan pinuri niya mga artista at ang buong production team sa likod ng hit movie.
“This achievement is a testament to the return of a vibrant and flourishing Philippine film industry – attributed to the hard work and commitment of artists, writers, directors, and all members of the production teams,” sabi niya.
Tinaggap ni Dingdong Dantes, Marian Rivera, direk Mae Cruz Alviar, Kris Gazmen and Marizel Martinez ng Star Cinema, Jojo Oconer and Michael Tuviera of APT Entertainment ang kopya ng Senate Resolution No. 909 noong Lunes.
“Dingdong Dantes and Marian Rivera-Dantes serve as inspiration, not only as artists on screen but also as one of the inspiring couple celebrities championing family values, entrepreneurship, and philanthropic deeds to help our fellow countrymen,” nakasaad sa Senate Resolution.
Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, maraming aral ang mapupulot sa kwento at itinuturo rin nito ang kahalagahan ng pagmamahal araw-araw.
“Ipinaalala po ng mga eksena sa pelikula na walang rewind button ang buhay kaya po dapat sikapin pong ipadama araw-araw ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating pamilya at sa kapwa,” pahayag niya.
Dahil sa success nito malaki ang tiwala ni Sen.Risa Hontiveros na magtutuluy-tuloy pa ang sigla ng industriya at sining sa bansa.
- Latest