Janella umiiyak ‘pag iniiwan ang anak
Tatlong taong gulang na ngayon ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude. Ayon sa aktres ay talagang susuportahan niya si Jude kung sakaling gustuhin ng batang subukan ang show business. “Mas bibo pa nga siya sa akin. ‘Coz when I was a kid, I was shy. Actually nag-audition ako for Goin’ Bulilit when I was six. My mom took me to ABS-CBN, they told me to audition for Goin’ Bulilit and I didn’t get in ‘coz I didn’t talk. They were asking me my name. They didn’t hear anything from me that day. Hindi ako bibong bata, si Jude super friendly. I see that he’s not afraid to express himself, talk to strangers. So, if he’s interested, why not?” nakangiting pahayag ni Janella.
Ngayong aktibo nang muli sa trabaho ay aminado ang aktres na nahihirapang umalis ng bahay at iwanan ang anak. “I get so sad when I have to leave him, when I have to leave the country and leave him at home. I actually cry sometimes. But iniisip ko na lang, it’s true. I do everything for him now. Bakit ko ba ‘to ginagawa? Because I wanna give him a good life. I want us to have a good life,” paliwanag niya.
Bilang isang ganap na ina ay normal na para kay Janella na mag-alala kapag hindi kasama si Jude. Para sa aktres ay masarap sa pakiramdam tuwing nakikitang masaya ang anak. “I will never stop worrying about Jude, about what he’s doing but at the same time, it’s the most fulfilling thing. It warms my heart so much to see him happy, to see him thriving. It’s the best thing,” giit ng aktres.
Nikko, nakaranas ng matinding financial problem
Taong 2014 nang manalo si Nikko Natividad sa Gandang Lalake segment ng It’s Showtime. Mula noon ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng dating miyembro ng Hashtags na nakilala sa It’s Showtime.
Naibahagi ni Nikko na problemang pinansyal ang nag-udyok sa kanya upang maging masinop sa buhay. “No’ng second year high school na-stop ako mag-aral. Naglilinis ako ng jeep sa Bagong Silang, so raket-raket. Nagkaproblema kami, financial crisis. So parang natutunan ko kung ‘di mo kayang makatulong sa parents mo, huwag ka na lang maging pabigat. So kumbaga may sarili akong kinikita, may sarili na akong pera. Hindi na ako hihingi sa kanila,” pagbabahagi ni Nikko sa YouTube channel ni Karen Davila.
Bago nagipit sa pera ang pamilya ay naranasan naman ng aktor na maging maluwag sa buhay. Nagtatrabaho raw sa Japan ang ama ni Nikko noon. “Na-experience ko okay kami, lahat ng PlayStation meron kami niyan. Private school kami nag-aaral, may bahay kami tapos biglang down na hindi ko nalaman ‘yung totoong problema kasi bata pa kami. ‘Di sa amin sinasabi kung bakit kami ngayon salat pero okay naman. ‘Di naman kami nagdamdam no’n. Kapag meron, meron, kapag wala, wala,” pagdedetalye niya.
Habang nag-aaral ng kolehiyo ay naranasan din ni Nikko na maging isang working student. Bago pa tuluyang sumabak sa showbiz ay naranasan din ng binata pa lamang noon ang pagiging waiter at salon assistant. “Naging wedding coordinator po ako ‘pag Saturday and Sunday kasi wala pong school no’n eh,” paglalahad ng aktor. — Reports from JCC
- Latest