^

PSN Showbiz

Anak ni Vilma, bubuhayin!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Vilma, bubuhayin!
Vilma Santos-Recto at Claudine Barretto

Dinayo, pinaiyak at pinasaya nina Vilma Santos-Recto at Claudine Barretto kasama si National Artist Ricky Lee ang mga estudyante, teacher at staff ng St. Paul University, Quezon City nang mag-kick off ang project ng CCP na Cine Icons na screening at talk back na sinimulan sa pelikulang Anak.

Ginanap ang event sa Father James B. Reuter Theater sa nasabing eskuwelahan na dinaluhan din ng ibang mag-aaral sa ibang school.

Present sina Ate Vi, Claudine at Ricky sa screening ng restored version ng 2002 box-office film ng Star Cinema. Umalis nang maaga si Claudine dahil kinailangan niyang sunduin sa school ang anak.

Bago umalis si Clau, binati niya kami sa Marites University na lagi raw niyang pinanonood dahil nga sa factual nitong pagbabalita at masayang panooorin.

Sa talk back naman, pinaalam ni Ate Vi ang mahihirap niyang eksena sa movie gaya ng pagbuwelta niya ng galit sa anak na si Claudine na tuhog at madaling-araw kinunan hanggang sa pagkakasundo nilang mag-ina at ‘yung last part na nasa airport siya na napapaligiran ng maraming tao pero kailangang hindi siya tingnan habang naglalakad sa gitna.

Inanunsyo rin sa screening na may tatlong taon ang agreement ng CCP at St. Paul at ang Anak ang simula ng screening ng restored classic movies bilang bahagi ng Sagip Pelikula Advocacy.

First time naming napanood ang Anak at magaling talaga si Ate Vi pati na sina Claudine at Baron Geisler na wala pang kamuwang-muwang sa mundo!

Sa exclusive na interview ni Rose Garcia kay Ate Vi tungkol kay Baron, naniniwala siyang magpapatuloy ang magandang nangyayari ngayon kay Baron.

vuukle comment

ACTRESS

CLAUDINE BARRETTO

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with