^

PSN Showbiz

DongYan, makiki-party sa ASAP!

Pilipino Star Ngayon
DongYan, makiki-party sa ASAP!
Marian Rivera at DingDong Dantes

Isa na namang bigating weekend concert experience na puno ng kantahan, sayawan at tawanan ang hatid ng mga Kapamilya star at special guests ngayong Linggo (Pebrero 25) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Tuluy-tuloy lang ang weekend mood at maki party-party kasama sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Jona, Elha Nympha, Lyka Estrella, Fana, Lara Maigue, Jeremy G, Krystal Brimner, Jameson Blake, kasama ang G Force, Mastermind, at Baby Dolls, pati sina Robi Domingo, Edward Barber, at Janine Gutierrez.

Huwag palampasin ang powerful at nakaka LSS na kantahan ni Regine kasama sina  Jona, Jed, Frenchie Dy, at Lara. Isang throwback playlist naman ang hatid ni Martin, Piolo Pascual at Erik sa kanilang Ric Sefreto’s medley collab.

Ituloy lang ang weekend party at makisayaw kasama ang dance royalties Kim Chiu, Shaina Magdayao, Maymay Entrata at Gab Valenciano. Hahataw din sa dance floor ang nag-iisang Sarah Geronimo sa Sarah G Specials.

Susundan ito ng pop hits jamming ng BGYO at Darren Espanto, at isang matinding sayawan showdown kasama si AC Bonifacio, Gela Atayde at Legit Status.

Tuluy-tuloy lang ang best of the best musical treats sa ballad-inspired sing off nina Regine at Yeng Constantino. Ituloy lang ang kantahan kasama si Gary Valenciano at ang New Gen Idols Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures at Bryan Chong.

Kasunod ng box-office success ng Rewind hindi magpapaawat sa dance floor sina DingDong Dantes at Marian Rivera na G na G ipakita ang kanilang TikTok moves.

Isang all out powerhouse performance naman ang hatid ng ASAP Icons Gary, Zsa Zsa, Piolo, Angeline, Martin, Erik, at Regine sa The Greatest Showdown.

Ito ang best-of-the-best concert experience na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To, ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with