^

PSN Showbiz

Rhian, proud na nakasungkit ng Best Actress

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian, proud na nakasungkit ng Best Actress
Rhian Ramos.
STAR/ File

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na proud na binahagi na nagwagi siya bilang Best Actress.

Kinilala ang karelasyon ni Sam Verzosa sa 2024 Platinum Stallion National Media Award ng Trinity University of Asia.

Napansin ang galing niya sa hit murder mystery series na Royal Blood kung saan gumaganap siya bilang Margaret.

Ibinahagi niya sa isang post ang kanyang pasasalamat sa natanggap na award.

Pagkatapos daw ng 18 taon bilang Kapuso ay ngayon lamang daw siya nakatanggap ng Best Actress para sa isang project na nagwagi pa raw ang serye ng Best Drama.

Kaya hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang Panginoon sa natanggap na karangalan.

Inulan naman siya ng pagbati at sey ng mga kaibigan at tagahanga niya ay deserve raw nito ang award sa kanyang pagganap sa serye nila nina Dingdong Dantes.

The EDDYS, pinaghahandaan na

Talaga yata sa buhay lahat may sorpresa na nangyayari.

Hindi mo alam what will happen the next day paggising mo.

Kaya tuloy everyday may excitement sa life natin.

Tulad ni Salve na ayaw sanang maging presidente ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na nagbibigay ng The EDDYS Movie Awards  na masasabi kong isa sa pinaka-credible na award-giving body kaya sure ako na magiging tagumpay ito ngayong taon.

Excited ako dahil may isang young boy na dream pasukin ang showbiz, si Izer, na anak ng kaibigan naming si Hazel Villaflor, at baka ito ang maging una niyang pagsali bilang isa sa presentor.

‘Katuwa naman na may mga batang tulad ni Izer na lumaking very well off sa buhay pero dream maging part ng showbiz.

So, now pa lang, congrats sa EDDYS, bongga.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with