^

PSN Showbiz

Gary, ayaw pagpahingahin ng fans

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gary, ayaw pagpahingahin ng fans
Gary Valenciano.
STAR/ File

Available na online ang tickets para sa Pure Energy One Last Time ni Gary Valenciano at sa mga gustong makabili agad ng ticket, visit @sm_tickets. Sa April 26 and 27 ang concert sa SM Mall of Asia to be directed by Paolo Valenciano, Gary’s eldest son.

Kung ibabatay sa title, last concert na ito ni Gary, pero may nagsabi na hindi pa ito ang magiging last concert niya, bakit may “One Last Time” sa title? Mas maganda siguro kung manood na lang ng concert at siguro naman, i-a-announce niya at lilinawin kung last concert na ba niya ito o hindi pa.

Marami na ang bumili ng tiket at karamihan ay gustong muling mapanood siya in a bigger venue than Music Museum.

Sana nga, hindi pa ito maging last concert niya dahil mami-miss siya ng   fans.

Hindi raw niya kailangang sumayaw in his every concert, puwede naman siyang kumanta ng hindi sasayaw. Puwede siyang kumanta ng nakaupo lang at ang repertoire ay ballad o slow songs, basta ‘wag daw muna siya magre-retire.

Gabbi at Khalil, wini-wish na ‘wag maghiwalay

Seven years na ang relasyon nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia and to celebrate their special day, nag-post si Gabbi ng photos ng travel nila ni Khalil sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ang sweet ng caption ni Gabbi sa kanyang post na “7 years together. It’ll always be you, @khalilramos.” Sa isa namang reel binati ni Khalil ang girlfriend ng anniversary at sabi, “Year 7 in 60 seconds. 7 years with you, @gabbi. I couldn’t imagine spending them with anyone else but you. I love you!!”

Nakabasa na naman kami ng comment ng fans na ‘wag silang maghihiwalay, na ‘wag silang gagaya sa ibang couples na after a long time, naghihiwalay rin.

Sana raw, maiba sila sa mga naghiwalay lalo na at perfect couple sila.

vuukle comment

GARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with