^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong, sobra-sobra ang suwerte

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian at Dingdong, sobra-sobra ang suwerte
Marian at Dingdong

Ewan ko pero siguro nga lahat ngayon, idasal mo na lang sa suwerte.

Parang lahat kasi hindi mo na alam kung ano ang magiging resulta. Lahat ng career hanging by the thread.

Hindi mo na alam kung sino at ano ang gusto ng tao. Kumita ng malaki ang mga pelikula noong festival dahil magaganda lalo na ang Rewind na talagang marami ang na-in love sa istorya.

Kaya ang dami nang commercials nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera dahil nga sila ang top grossing film kaya lahat agawang makuha ang serbisyo nila.

Sana nga lahat ng artista matikman din ang suwerte na ito. At sana rin maging hudyat para lumakas na uli ang showbiz.

Naging maganda rin para kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na maganda ang wor­king habit nila kaya gusto sila ng tao.

Now more than ever dapat malaman ng stars na hindi na sapat ang star power lang. Marami nang factor na kailangan para suwertehin ka sa buhay, pero una sa lahat, ‘yung kindness hindi dapat mawala.

Maxine, buntis na agad

Ang bongga rin ng Kapuso star na si Maxine Medina na buntis na.

Matapos ang kasal nila ng mister na si Timmy Llana noong October nakaraang taon ay heto at biniyayaan na sila ng kanilang first child.

Ibinalita ng da­ting Miss Universe Philippines ang litrato nilang mag-asawa habang hawak ang isang ultrasound photo ng kanilang baby. “So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our own little one, yieeee… We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy! Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG… weeee can’t wait,” caption niya sa kanilang litrato.

Binahagi rin niya na totoo raw pala na magi­ging emosyonal ang isang gaya niyang first-time mom ‘pag narinig ang first heartbeat ng anak at napaka-precious daw nito.

Kaya naman inulan sila ng pagbati mula sa mga kaibigan at netizens.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with