Sylvia, handa nang maging lola!
Handa ka nang maging lola? Tanong namin kay Sylvia Sanchez nang maka-chika namin siya sa Chinese New Year celebration ng Beautederm Corporation kung saan isa si Sylvia original ambassador.
“Sobra na akong handang-handa na, sobra. Pero ang tanong, kelan ba? Ayoko silang pressure-in. Bahala na sila. Basta ako naka-ready na ako,” dagdag niya.
Tanong namin toh na tungkol kina Arjo and Maine Atayde na almost a year nang kasal.
Wala silang sinasabi na malapit ka nang maging lola?
“Wala pa.”
Paano sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo? “Masaya sila.”
Wala pa silang planong magpakasal?
Wala pa rin silang sinasabi?
Ang tagal niya bago sumagot, parang nag-isip: “Sila na magsalita kung may plano sila o wala.
“Secret. Hindi, basta.”
At ito na nga, nag-announce na ng engagement sina Zanjoe at Ria kahapon.
- Latest