^

PSN Showbiz

‘Sugar daddy’ sa hiwalayang Dominic at Bea, magdedemanda!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Makahulugan ang pahayag ng Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos na, “I will do some legal actions against this.”

Sinabi niya ‘yun sa teaser ng second part ng interview ng mamahayag na si Jay Ruiz sa kanyang YouTube channel.

Nakapanayam ni Jay si Mayor Bullet kasama ang dating Congressman na si Bong Suntay para klaruhin ang pagkakadawit nila sa isyung hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ipinaliwanag nilang dalawa kung paano nila naging kaibigan si Dominic na kasama nila sa pagmo-motor.

Nabuo raw ang grupo nilang EuroMonkeys kasama sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Kim Atienza at iba pang non-showbiz friends.

Inamin ni Mayor Bullet na kanya talaga ‘yung condo unit na tinitirhan noon ni Dominic ng halos tatlong taon. Ibinigay lang daw niya nang mababang rental fee dahil magkaibigan lang naman sila, pero hindi naman daw niya ibinahay ang kontrobersyal na aktor.  “Nakakatawa lang ‘yung isyu. Actually, pinagtatawanan na lang namin ‘no? But it’s a good time to clarify things. ‘Yung totoo lang ang gusto nating i-clarify, para malaman din.

“Ang pangit namang pakinggan, sugar daddy!” bulalas ni Mayor Bullet.

Dagdag niyang pahayag; “Sana naman ‘tong nagkakalat ng mga… that they are claiming na mga batikang journalist ‘no? Sana naman ingat-ingat din, kasi they have the responsibility to the people, na dapat fact finding. Hindi ‘yung nalaman nila sa pangalan ko ‘yung condo, sugar daddy na ako bigla, ‘di ba? Hindi ba puwedeng ni-rent? Hindi ba puwedeng binebenta? There’s so many e… tumalon agad e. Ang problema dun, sinakyan e, gina-gaslight nila ‘yung issue.

“Naawa rin kami kay Dom, kasi siyempre affected na nga ‘yung tao sa breakup, ili-link kami sa kanya. So, kami pinagtatawanan na lang namin. But at some point no, kailangan talaga tumigil. And I think these people will have to also be reprimanded no? Kailangan may consequences din ‘yung ano. May batas tayo e.”

Si Bong Suntay naman ay ipinaliwanag din kung paano niya kinuhang endorser si Dominic sa kumpanya niya, at naging brand ambassador ng Clean Fuel na gas station.

Hindi raw totoong binigyan niya ng gasolinahan ang aktor. Pinagtatawanan na lang daw nila ang isyu, pero sabi nga ni Mayor Bullet, dapat na managot at ma-reprimand ang kung sino mang nagkalat ng malisyosong balitang ito.

Mga taga-industriya, nagbunyi!

Masaya ang mga taga-entertainment industry na inaprubahan ng Senado ang third reading ng Senate Bill 2505 na An Act Protecting The Welfare of Workers In The Movie and Television Industry.

Nakausap namin sa DZRH nung Lunes ang Presidente ng Mowelfund na si Rez Cortez at masaya raw silang lahat na lahat ay nag-approve at isabatas na ito.

Pero hindi pa raw ito natatapos. Idadaan pa raw sa bicameral, at kapag okay na, saka nila ito maaring pirmahan ni President Bongbong Marcos.

“Approved na sa Senado at approved na sa Lower House, pero magkakaroon pa ng bicam na tinatawag, bago magkakaroon sila ng version na magkakasundo ang Congress at Senado bago ipapadala sa Malacañang para mapirmahan na ni PBBM at maging ganap na batas na ito.

“’Yun ang proseso ng paggawa ng batas,” pahayag ng presidente ng MOWELFUND.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with