Nag-umpisa ng Cinemanila at beteranong direktor Tikoy Aguiluz, pumanaw na!

Tikoy Aguiluz

Pumanaw ang batikang direktor na si Tikoy Aguiluz na Amable “Tikoy” Aguiluz VI sa totoong buhay.

Walang nabanggit ang kanyang pamilya ng dahilan ng pagpanaw nito.

Humihingi muna sila ng paumanhin na hayaan muna silang mag­luksa sa kasalukuyan.

“While we grieve this loss deeply, we kindly ask for your understanding as we choose to mourn in private for the time being.

“We assure you that once we are ready, we will share details about a public service where all who knew and loved Direk Tikoy can join us in paying tribute and saying our final goodbyes.

“Your patience, understanding, and support mean the world to us as we navigate through this period of grief.

“We thank you for your thoughts, prayers, and expressions of sympathy during this time,” ang buong pahayag ng pamilya Aguiluz.

Kabilang sa mga ginawang pelikula ni Direk Tikoy ang Balweg, Segurista, Rizal In Dapitan, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at marami pang iba.

Siya rin ang nagtatag ng Cinemanila International Film Festival noong 1999.

Show comments