^

PSN Showbiz

Xian kuryente sa jowa, walang planong i-deny Kim, pinakilig ni P

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Xian kuryente sa jowa, walang planong i-deny Kim, pinakilig ni P
Kim Chiu

Tinatanggi ng ilang source na hindi jowa ni Xian Lim ang nasabing road manager na kumakalat na kasama niya sa photo.

Pero wala raw sa plano ni Xian na mag-deny ayon sa source.

Ang nasabing road manager nga ang sinasabing pinalit ni Xian kay Kim Chiu na kasama niya diumano nung Valentine.

Pero hinding-hindi raw talaga ayon sa source.

Anyway, si Kim naman ay nag-solo nung Valentine ayon sa ini-upload niyang video kung saan nag-workout lang siya at naglagi sa bahay.

Ito ang first Valentine na wala na sila ng actor. Ayon kay Kim : “The most important relationship in your life is with yourself. Nourish your mind, body and soul, and learn to love yourself this love month just like me!

“How I spent Valentine’s this year: I woke up early and did a fasted cardio, hustled at work, and then spent some much needed me time at home. I stayed away from social media and unnecessary noise, just embracing the peace and quiet by myself,” pag-amin ni Kim.

 Pero duda naman ang ibang fans lalo na nung i-post ni Kim ang isang bouquet na may dedication “Okay lang na walang boyfriend, may flowers naman.”

“Copy po!,” sagot ni Kim.

P ang initial sa nasabing bouquet na parang alam na raw ang totoong pangalan – Paulo Avelino – na partner niya sa local version ng Korean series na what’s Wrong with Secretary Kim.

Pero paano raw mangyayari ‘yun eh nagkabalikan sina Paulo at Janine Gutierrez.

Tho sinasabi naman na inilaban ni Kim na si Paulo ang maging partner niya sa WWWSK na mapapanood na sa March habang pinalalabas pa ang kanilang kauna-unahang series na Linlang na massive ang success kahit sa free TV.

Well, basta ang importante masaya si Kim.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with