^

PSN Showbiz

Big Bird… ni Enrique, pumalo sa P3M

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Big Bird� ni Enrique, pumalo sa P3M
Enrique Gil

Halos naka-P3M pala ang kinita ng first day of showing ng I Am Not Big Bird na pinagbidahan ni Enrique Gil.

Maganda na ito sa panahon ngayon na bumalik sa mahinang performance sa takilya ng mga pelikulang Tagalog.

So far, ang medyo okay na kita sa takilya ay ang My Sassy Girl nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera. Nung nag-showing nung Jan. 31 ang naturang pelikula hanggang sa Linggo, Feb. 4 ay kumita na ito ng mahigit P12M.

Marami pang naiwang sinehan at pumapalo pa ito. Kaya masaya na ang producers.

Sumunod itong I Am Not Big Bird na siguro nagustuhan ng mga tao ang ganung pagpapatawa.

Sabi pa ng aming source, meron daw night crowd. Kaya parang pang-mature ang audience at puwede pang lumakas.

Nakasabay nitong mag-showing ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro.

Hindi siya pumantay sa kinita ng I Am Not Big Bird.

Sabi naman nina Ken Chan at Glaiza de Castro na producers ng pelikulang ito, pursigido sila sa paggawa ng marami pang pelikula. Kaya sana tangkilikin itong first venture nila para lalo silang maengganyong gumawa pa ng pelikula.

Showbiz couple hiwalayan, aabot sa korte!

Iba’t-ibang emosyon ang naramdaman natin nung Valentine’s Day, base sa mga kuwentong nasusubaybayan natin.

Sa It’s Showtime naging emotional si Kim Chiu sa segment nilang EXpecially For You na kung saan nagpahanap ang anak ng ka-date sa kanyang ina.

Bahagi ‘yun ng pag-move on ng kanyang ina pagkatapos mawala ang kanyang ama.

Sabi ni Vice Ganda, huwag i-judge ang isang tao kung gustong mag-move on sa isang paghihiwalay.

Nagdugtong si Kim Chiu ng sariling opinyon na dapat irespeto ang desisyon ng isang tao kung gusto nitong mag-move on agad.

 “Saka lahat na nangyari sa buhay natin, hindi naman ‘yun by chance o by accident. Lahat naman na nangyayari sa buhay natin is written and ginawa na ‘yun bago pa man tayo ipinanganak. So, mas madaling tanggapin ang lahat ng bagay.

“So, parang lahat na nangyayari sa bawat tao, like si Mommy Fe, hindi naman nangyari ‘yung paghihiwalay nila by accident. Sadyang itinadhana ‘yun and then binalik sa kanya, and then tinanggal ulit sa kanya, and that made her strong,” dagdag niyang pahayag.

Ang pagiging emotional ni Kim ay maaring bahagi na rin ng kanyang pag-move on.

Kumakalat ngayon ang kuha ni Xian Lim kasama ang writer/director at producer na si Iris Lee.

Sinasabing rumored girlfriend ng Kapuso actor.

Pero hindi naman ito kumpirmado, at hindi natin alam kung bahagi rin ba ito nang pag-move on.

May narinig din kaming isang aktor na galing din sa hiwalayan na meron na rin daw girlfriend, pero haka-haka lang ito.

Ang isa pang epekto ng mainit na isyung hiwalayan ay mukhang aabot daw sa demandahan.

Mahirap lang idetalye dahil nangako kami sa aming source na huwag munang ikuwento ang tungkol dito.

Abangan na lang natin!

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with