^

PSN Showbiz

Tom, may mala-Dominic Roque na kontrobersya na ‘di pa nasasagot

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Tom, may mala-Dominic Roque na kontrobersya na �di pa nasasagot
Tom Rodriguez
STAR / File

Visible na ulit si Tom Rodriguez and he’s making the rounds of television shows again.

Ready na kaya siyang harapin ang mga katanungan ukol sa kanyang pag-alis at pagkawala sa limelight?

At masasagot ba niya ang mga tanong na mala-Dominic Roque na kanyang iniwanan?

O inaasahan na lang niya na nalimutan na ng publiko ang mga isyu at magbagong simula na lamang? Abangan!

US tour ni Regine, humugot ng ibang musical director

“I packed up and geared up and and answered Regine’s call when she needed it the most.”

Ito ang post ng mahusay na musical director na si Lorrie Ilustre na based sa America na siyang Musical Director ni Regine Velasquez nang una siyang nag-tour sa US.

Ang tanong, ano’ng kapalpakang nangyari sa US Tour ni Regine at hindi nakarating ang kanyang bayaw na musical director na si Raul Mitra sa concert sa Pechanga noong Feb. 9?

Buti na lang nasalo ito ni Lorrie na kaibigan ni Regine nang may 36 years na! Ganyan talaga ang magkakaibigan, hindi mo mapahihindian.

Daniel, dedma kay Dominic!

Habang tuluy-tuloy ang pagshoo-shoot ni Kathryn Bernardo ng bagong commercials, aminin kaya ni Daniel Padilla na naapektuhan ang kanyang kabuhayan at ang commercials dahil sa breakup nila ni Kath?

Ano rin kaya ang sagot niya kay Dominic Roque noong sabihin na hindi siya imbitado sa kasal?

Bakit parang ang bilis bumalik ng salita sa pinagmulan, ‘di ba?

Ibang ticket pinamimigay na... mga concert produ, aligaga!

Kumahog ang ibang concert promoters at producers na magtawag ng mga tao – last minute na manood ng ibang Valentine concerts kahapon at maging ‘yung sa ngayon. Meron pa ngang iba na libre na, tinatanggihan pa.

Bakit nga ba hindi masyadong nagsilabasan ang mga tao sa shows? Mas ninais na lang ba nilang kumain, imbes na mamasahe, maipit sa traffic at mag-aliw na medyo hassle at may kamahalan?

Walang Valentine show ngayon na makapag-claim na sold-out na sold-out na halos walang pinamimigay.

Ang tanong – sadyang tinitipid na ba ng mga Pinoy ang hawak nilang pera ngayon? Bakit?

Take the case of the APO Hiking Society, na kagagaling lang sa concert tour nila Australia, kahapon Valentine’s Day, heto ang post nila: “See you tonight Marikina. It’s a free show. No tickets or passes needed. Everyone is welcome. Gates open around 2PM. We will perform with Rey Valera. Happy Valentine’s Day.”

Kung libre naman silang napapanood sa isang mala­king venue sa Marikina, bakit ka pa magbabayad ng libu-libo sa concert nila sa Newport World Resorts with Jamie Rivera sa weekend, ‘di ba?

Naiintindihan natin na Valentine season is raket time, pero namimili na rin talaga ang mga tao ng pagkakagastusan.

Iba naman daw ang audience, so good luck na lang!

Nakakata-quote:

“When I hear I’m 100, napapailing ako. How did I ma­nage to do that, I don’t know.” – Juan Ponce Enrile

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with