^

PSN Showbiz

‘Chance encounter’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
�Chance encounter�
Ivana Alawi

“Chance encounter” ang nangyari kina Mayor Albee Benitez at Ivana Alawi sa Japan na naging viral at nabigyan ng malisya nung nagkasabay sa flight.

Bago pa kumalat ang video na iyun, sure na sure din ang aming reliable source na nakita niya ang dalawa. Pero hindi nga raw sila magkatabi ng upuan.

Kaya kaagad na itinanggi ito ng sexy actress, at nung Linggo ng gabi ay sinundan na rin ng statement ni Mayor Albee.

Narito ang kabuuan ng statement ni Mayor Albee na ipinost sa kanyang Facebook account nung Linggo.

“I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.

“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.

“I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life.  There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.”

Queenay, parang sanya ang peg

Nagulat kami sa dami ng mga fans ng social media influencer na si Queenay Mercado na dumagsa sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Slay Zone na magsu-showing na sa February 14.

Sila ‘yung nagtitili sa mga suspence na eksena lalo na nung tinangkang patayin si Queenay sa isang eksena.

Ang daming twist ng pelikulang ito nina Pokwang at Glaiza de Castro, kaya ang hirap i-share.

Pero bago ang ending nang nakitang hindi pala namatay si Queenay, ang lakas ng tilian sa loob ng Cinema 3 ng SM The Block.

Bale ito ang pangalawang pelikulang nagawa niya, pero ang unang i-showing sa mga sinehan.

Kasama rin siya sa pelikulang Fruitcake ni Joshua Garcia na hindi nakapasok sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

May natapos din siyang pelikulang dinirek ni Fifth Solomon, ang Three Words na pinagbibidahan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

 Malaki raw ang nabago sa kanya nung mag-artista siya.

“Kumbaga, bukod sa mas na-boost yung confidence ko, marami akong natutunan base sa mga nakakasalamuha kong mga artista, base sa mga advices na binibigay nila. Kumbaga, yung personality ko din nadagdagan,” bulalas niya.

Marami raw siyang natutunan sa mga co-actors niya kagaya sina Pokwang at Glaiza na napakabait daw sa kanya.

“Kung dati medyo mahiyain ako mag-approach sa mga artista na nakakausap ko, ngayon parang medyo nagkakaroon na ako ng confidence na i-approach sila. Doon nagkakaroon kami ng koneksyon sa isa’t-isa at nagkakaroon kami ng moments and bonding,” dagdag niyang pahayag.

Pero mala-Sanya Lopez siya na NBSB, no No Boyfriend Since Birth.

“Oho! NBSB ako! Siguro dahil feeling ko hindi pa napapanahon. Tho, may mga nagpaparamdam naman. Kasi yung iba naman ho, kasi is lulubog, lilitaw. ‘Yung mga alam n’yong ganun.

“Parang ako hinahanap ko kasi yung seryoso, mabait, at saka marespeto. Siyempre gusto ko rin kapag manliligaw, dapat siyempre pumupunta sa amin, haharap ng personal sa inay,” bulalas niya.

Ayaw daw niya yung tipo ng panliligaw ngayon. Mas gusto pa rin daw iyung makaluma.

“Ayoko sa social media. Gusto ‘yung natural na talagang pumunta sa  bahay,” tili ng Batangenyang social media influencer at aktres.

vuukle comment

ACTRESS

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with