Big bird, may maka-durog pusong kanta
May dala na namang nakaka-durog pusong kanta ang up-and-coming artist na si Joem. Pinamagatan itong Nakaraan, tampok sa inaasahang pagbabalik-pelikula ni Enrique Gil, ang I Am Not Big Bird.
Matapos mangalahating milyong streams ng kanyang kantang, Pangako, ang nakaraan aniya ay mas nakaka-broken hearted pang lalo.
Ito ay napakinggan na simula Pebrero 9 sa Spotify, Apple Music at YouTube Music. Mapapanood ang I am Not Big Bird sa mga sinehan sa buong bansa sa Araw ng mga Puso.
Sa pelikula, ginagampanan ni Enrique Gil si Luis, isang 30-anyos na virgin na iniwan ng kanyang girlfriend.
Pumunta siyang Bangkok kasama ang kanyang mga tropa para maka-move on. Doon, mapagkakamalan siyang si Big Bird na isang sikat na Thai porn star.
Ang I am Not Big Bird ay isang comedy film na may tearful moments rin tampok ang Nakaraan ni Joem.
Tiyak na makaka-relate ang mga sawi sa pag-ibig sa kantang ito. Lalo’t higit ‘yung mga iniwan. Isang mahigpit na yakap mula sa awit na ito. Suportahan ang musikang Pilipino.
- Latest