^

PSN Showbiz

Female broadcasters, pinaglaruan ng feng shui expert

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Chinese New Year weekend na at bumabalik sa isip natin ang dalawang female broadcasters na may sariling feng shui expert bilang pangontra ng mga opposing psychic energies nila.

Hulaan n’yo kung sino ang naki­nabang sa ganitong arrangement?

Walang iba kundi ang feng shui expert mismo!

Siya kasi ang nagpapayo sa kanilang dalawa – kaya’t safe at standstill ang kapalaran nila dahil pinagpapantay niya ng biyaya at hamon sa dalawang female anchors na ito, kinakaya n’yo?

Carlos Agassi, hinanap sa burol ng dating boss

Naging napakaganda ng setup sa wake at final rites ng Dreamscape head na si Deo Endrinal.

Purple and white ang dominant colors. Nag-post naman ang halos lahat ng malalapit sa puso na katrabaho, kaibigan at kapamilya ni Deo at nagpakita ang karamihan sa burol at libing.

May isang tanong ang ‘di iilang tao, nasaan si Carlos Agassi?

Abot-Kamay..., magpapaalam na!

After two glorious years of being on air, totoo bang malapit nang matapos at magpaalam ang panghapong teleserye na Abot-Kamay Ang Pangarap?

Parang wala ka na ring iaangal dito dahil they really had a good two year run!

Ang tanong, ano kaya ang papalit sa kanilang timeslot, at mapantayan man lang ba nila o mahigitan pa ang sinet na record ng Abot-Kamay...? Abangan!

Male anchor, kinainggitan ng mga jobless na babaeng anchor

Totoo bang nakakaloka ang isa pang pares ng inggiterang female achors?

Kalat sa mga staff ng nagsarang network na very cold sila sa male anchor dahil pinapaboran ng management.

Bakit naman hindi, eh award winning ito at kilala na kahit sa labas pa ng bansa.

Tingnan na lang natin kung saan pupulutin ang dalawang female anchors na ito na currently jobless.

Karnal at Kisapmata, bubuhayin sa opera!

Ang ganda ng nangyayari ngayon sa teatro, balitang gagawing Opera ang Karnal na pelikula dati ng dalawang National Artists Ricky Lee at Marilou Diaz Abaya na gagawin ng CCP.

Tapos totoo bang meron ding Kisapmata ni Mike de Leon na gagawin naman ng Tanghalang Pilipino?

Ang galing lang na nagkakatulungan at buhay ang dalawang art forms na ito! Ang dagdag na tanong – sino ang gaganap bilang Philip Salvador, Cecille Castillo, Charito Solis at Vic Silayan sa Karnal?

At Charo Santos, Jay Ilagan, Charito Solis at Vic Silayan sa Kisapmata?

Interesting, ‘di ba?

Nakakata-Quote:

“Bea is a beautiful person inside and out. No hate, bashing, or negative things, please.” – Dominic Roque

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with