^

PSN Showbiz

Carla, nag-refund sa ibinebentang sapatos!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Carla, nag-refund sa ibinebentang sapatos!
Carla Abellana
STAR / File

MANILA, Philippines — Naka-off ang comment box ng carlaangeline_closet ni Carla Abellana na may online selling ng pre-loved items ng aktres. Ito ay pagkatapos sumugod ang netizens na inireklamo ang mataas na prices ng items.

Hindi lang ang mataas na presyo ang inireklamo ng netizens, pati ang items mismo na hindi raw in good condition at meron pang overused na ibinenta pa. May nag-comment pa na sana, nilinis muna nila Carla at ng kanyang team ang mga item bago pinost para walang nega comments.

May nagduda tuloy kung nakita ba ni Carla ang mga item bago pinost dahil nga wala sa kondisyon ang karamihan. Parang gusto lang daw mag-declutter ng aktres at naisip na ibenta ang items na hindi na niya ginagamit at hindi gagamitin.

In fairness, may nag-post naman na she tried buying Carla’s Kate Spade red wedge heels shoes na maayos naman daw at nagbayad na siya via online. Naiwala raw ng stylist ni Carla ang shoes, kaya ni-refund ang ibinayad niya.

Anyway, lesson na rin ito sa ibang celebrities na mag-o-online selling ng kanilang pre-loved items. I-check n’yo muna kung maayos ba ang mga item para walang masabi ang prospective buyers.

Saka, ‘wag daw masyadong mamahalan dahil itsetsek ng netizens ang original prices ng mga bago pang items.

And speaking of Carla, nagagalingan sa kanya ang viewers ng Stolen Life sa pagganap niya ng kontrabida at gusto nilang kontrabida pa rin si Carla sa Widow’s War na pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.

Dominic, sinumbatan ng fans ni Daniel!

Binalikan ng fans ni Daniel Padilla si Dominic Roque sa naging pahayag nitong hindi imbitado si Daniel sa wedding nila ni Bea Alonzo at si Kathryn Bernardo lang dahil wala naman daw wedding na magaganap. Dahil hindi magsasalita si Daniel, ang fans na lang nito ang nag-react para sa kanya.

Naalala namin, nabanggit ni Dominic na hindi ito imbitado sa wedding nila ni Bea sa isang event and that time, parang hiwalay na sila ni Bea. Puwede ring nag-uusap pa sila ni Bea at  inaayos ang kanilang problema. Umaasa pa siguro siya that time na maaayos nila ang kanilang problema.

Pero, January pa lang this year, naram­daman nang may problema sila dahil sa isang post ni Dominic sa birthday ng kanyang mother. Wala si Bea sa birthday treat na nangyari noong Jan. 16 at hinanap siya ng fans nila ni Dominic. May family event sila Dominic na present si Bea, kaya nakakapagtaka nga na kung kailan birthday ng mom niya, saka wala ito.

Naalala rin ng BeaDom fans ang saya ng mom ni Dominic sa engagement ng ex-couple at nag-dialogue pa nga na magkakaroon siya ng mapuputing mga apo.

Nakakalungkot din na tila nagi­ging messy ang hiwalayan nila dahil sa post ng kampo ni Bea ng road manager daw ni Bea ng “Manipulative sad boi” at sinundan pa ng post ng “hustler.” Pinost din nito ang definition ng manipulative at hustler.

May post naman ang tinukoy na brother ni Dominic na si Lhean Roque ng portrait ng wolf in sheep’s clothing. Sabi ng netizens, patungkol daw ito kay Bea at kung ganyang may pa-shade na ang dalawang kampo, mukha ngang magiging messy ang hiwalayan ng ex-couple.

Abangan na lang ang mga susunod na parinigan sa social media at kung ano ang maidudulot nito sa kanila.

Prenup film sa Turkey nina Bea at Dominic, nilantad ng mga PhotoG

Nalungkot at nanghinayang din ang fotog na sina Karlo Torio at JF Calimag sa paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Na-share ng dalawa sa kani-kanyang Instagram stories na tinawagan sila (hindi binanggit kung sino ang tumawag) last December para sa photoshoot ng prenup ng ex-couple sa Turkey.

Hindi pa nga binanggit ni Karlo na sa Turkey ang photoshoot at sabi lang ay sa isang lugar between Asia and Europe. Si JF na ang nagbanggit na sa Turkey sana ang photoshoot.

“We’re supposed to fly somewhere between Asia and Europe and imagined how magical and full of love this experience for them. Nakakalungkot. Nakakagulat. I wish for both of them to heal and find time to recover,” post ni Karlo.

Sabi naman ni JF, “Sinulat ko ang tulang ‘to para sana sa isa sa pinakamalaking project namin ni @karlotorio this year- Bea & Dom wedding. Prenup film sa bansang Turkey sana ang plano bago matapos ang Q1. Pero ganun siguro talaga ang buhay. Ganun siguro talaga ang pag-ibig.”

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with