^

PSN Showbiz

Aktor, nagiging manyak ‘pag nalalasing!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumalabas ang pagiging manyakis ng isang male star kapag nakakainom daw! At ang madalas niyang harasin eh ang isang female sexy star na kasama niya sa isang ongoing series, huh!

Hindi masyadong guwapo si male star pero matamis ang kanyang dila kaya nakakabola siya ng mga babae.

Walang nababalitang GF si male star. Kaya kung mang-harass ng babae eh nakakainis lalo na sa female sexy star na hindi naman siya type, huh!

Nagsumbong na si female star sa kasamahan sa series. So ang ginawa nila eh pinagsabihan siya at binawalang lumapit na sa sexy star!

Mabenta ring leading man sa mga pelikula si male star na kung minsan ay nakakatsamba ng hit!

Sen. Bong, may plano kay Jillian!

Nagpapasalamat si Senator Bong Revilla, Jr. sa GMA dahil sa suporta sa season 2 ng comedy show nilang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na nag-premiere last Feb. 4 na may mataas na ratings.

“Hindi siya pang-TV. Pelikula!” sabi ni Senator Bong sa mediacon niya with some entertainment press.

Ayon sa senador, marami pang bagong characters na papasok pa gaya nina Sanya Lopez, Celeste Cortesi at iba pa. “Nagsa-suggest din ako ng ibang eksena. Hindi puwedeng comedy lang. Kailangan may aksiyon!” sabi pa niya.

Last series niya ito dahil movie naman ang gagawin ng senador para makatulong sa industry.

Ayaw nga lang niyang sabihin kung makakasama niya si Sharon Cuneta sa gagawing movie. “May plinaplano kami ni Jillian (Ward). Nagkita kami ni Robin (Padilla) pero hintayin na lang natin.

“’Pag natuloy ‘yon, malaking project ‘yon!” bitin pang pahayag ni Senator Bong.

Buhos ngayon sa showbiz si Senator Bong dahil next year eh election muli at tatakbo siyang muli bilang senador!

Congratulations to all the cast of Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na napapanood tuwing Linggo, 7:15 p.m.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with