Millennial Pop Princess, may kanta para sa mga dumaan sa toxic na relasyon
MANILA, Philippines — Matapang na pinipili ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan ang sarili sa kanyang latest single na pinamagatang I LUV U na ilulunsad ngayong Biyernes (Pebrero 9).
Tungkol ito sa pagdesisyong mahalin ang sarili pagkatapos pagdaanan ang isang toxic na relasyon.
“Through soulful melodies and honest lyrics, it speaks to anyone finding the courage to break free from familiar cycles and embrace their own happiness. Gaya nga nang sabi sa lyrics, ‘This time, I choose to love me over you,’” saad ni Janah.
Pagbabahagi pa ng Kapamilya singer-performer, instant connection ang naramdaman niya sa kanta kaya napili niyang i-record nito.
Aniya, “I thought it might be another typical love song, but upon listening closely, I was struck by its unexpected twist and profound message. It spoke directly to my heart. I felt an immediate connection and knew that this song had to be a part of me.”
Si Angelica Tagadtad and sumulat ng kanta na prinodyus naman ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Sa kasalukuyan, isang student pilot si Janah na kabilang din sa rising acts sa ilalim ng ABS-CBN Music. Kinilala siya bilang Best New Female Solo Artist sa PPop Awards 2023. Bago ang I LUV U, inilunsad niya ang ilan pang self-love anthems tulad ng Maiba Naman at Dancing On My Own.
“While it wasn’t initially a deliberate plan, it’s fascinating how the creative journey unfolded. From Maiba Naman to I LUV U, my music has organically become a source of self-empowerment and resilience for listeners facing various challenges in life.”
Mapapakinggan na ang I LUV U single ni Janah sa iba’t ibang music platforms simula Biyernes (Peb. 9).
- Latest