^

PSN Showbiz

Alden, nag-invest sa short film!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden, nag-invest sa short film!
Alden Richards

May teaser na ang first short film sa ­trilogy movie na The Cassandra Project na co-produced ng Myriad Entertainment Corporation ni Alden Richards. Naka-post sa Instagram ng aktor ang teaser ng short film titled Busy Body at sa teaser, parang suspense ito at isang senior female ang bida.

Ramdam ang pagiging proud ni Alden sa first international project ng kanyang entertainment company sa post nitong, “I’m happy and excited to share to all of you another advocacy project that I fully support and co-produced with the goal to empower women and encourage them to speak up and be heard.”

May nakasulat after the teaser na “The Cassandra Project highlights the dangerously high stakes of disregarding women’s voices.”

Gusto tuloy naming mapanood ang buong pelikula.

Wala pang gaanong details na pinost si Alden about the movie pati kung kailan ang showing nito, pero nakasulat ang “Coming Soon!”

Masaya ang fans ni Alden sa bagong step na ito na ginawa ni Alden, co-producing a foreign film at wish nila, sa susunod, gumawa na si Alden ng movie na for international release and international actors ang kanyang makakasama.

Hindi malayong mangyari ito dahil nalala namin, noon pa nababanggit ni Alden na gusto niyang makagawa ng movie for international release.

Kris, napuri!

Ang ganda ng payo ng isang follower ni Kris Aquino sa kanya after mabasa ang post ni Kris na ibinahagi ang kanyang panghihinayang na nawala ang komunikasyon nila ni Deo Endrinal. Ang payo ng netizen, “Please make peace with all your friends para gumaan pakiramdam mo at gumaling ka.”

Ang ganda rin ng feedback ng followers niya sa post ni Carmela Concepcion, may mga naka-relate at tinamaan at nangakong makikipag-peace na sa kanilang nakasamaan ng loob.

May mga napulot na aral sa post ni Kris patungkol kay Deo, isa rito ay ang ‘wag panaigin ang pride at ego.

May nakaalala rin sa naging pahayag ni Kris sa isang episode ng The Buzz na ang sabi, “I will only leave Deo when I retire in showbiz.”

Nakalulungkot na hindi na uli nagkita at hindi man lang nagkausap sina Kris at Deo bago pumanaw ang huli.

Tumigil na sa pag-emote...pokwang takot na sa immigration!

Kabilang si Pokwang sa nagbigay ng madamdaming appreciation post kay Deo Endrinal na pumanaw noong February 3.

Magkumpare/kumara ang dalawa dahil inaanak ni Deo ang anak ni Pokwang na si Malia O’ Brian.

“Thank you mamita Deo kahit nasa GMA na ako di mo ako kinakalimutan tuwing birthday ko, pasko at valentine’s day laging may bulaklak ako from you. salamat sa tunay at pagmamahal bilang boss at kaibigan at ninong ni Malia salamat sa mga advice mo at tiwala sa mga proyektong nilaan mo kasama ako sa @dreamscapeph buti na lang lagi ko itong nasasabi sayo na mahal kita at sobrang nagpapasalamat ako sa friendship na meron tayo. pahinga ka na mamita di ka mawawala sa aming puso ni Malia #WELOVEYOUDTE.”

Samantala, in-announce ni Pokwang ang pagbabalik ng classic 80s Kapuso singing competition na Tanghalan ng Kampeon simula February 12,  at mapapanood sa TicToClock  na isa si Pokwang sa mga host.

Napapansin naman ng followers ni Pokwang sa Instagram na wala na siyang pino-post patungkol kay Lee O’Brian.

Matatandaang nag-public apology siya sa Bureau of Immigration dahil sa mga na post niya na may kinaalaman sa na file niyang deportation laban sa ex partner niya.

Pinagbawalan siya ng kanyang abogado na mag-comment pa laban sa BI para hindi maapektuhan ang deportation case na isinampa.

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with