Summer musicfest nila Rico Blanco, tuloy na

Itinuloy na ito ng Breakout entertainment company, BLVCK Entertainment, in cooperation with Rekta Sa Kalye.

Matutuloy na ang naudlot na BLVCK Summer Festival on April 13, 2024, 9 a.m. at the SM Mall of Asia Concert Grounds.

Itinuloy na ito ng Breakout entertainment company, BLVCK Entertainment, in cooperation with Rekta Sa Kalye.

Ayon sa mga producer, ito ay pagdiriwang ng lokal na musika at kulturang Pilipino.

Pinagsama-sama nila rito ang mahigit sa 30 artist na binubuo ng OPM, Hiphop, at P-Pop artist; kaya’t garantisado raw na mayayanig ang entablado sa kanilang vibrant beats at electrifying performances.

Kasama sa mga magpe-perform sina Rico Blanco, Sandwich, Franco, December Avenue, Al James, Flow G, Omar Baliw, Allison Shore, Nobita, Kiyo, Gins and Melodies, Crazy as Pinoy, Smugglaz, Carm, 6ENSE, Blvck Flowers, Blvck Purple at marami pang iba.

Sinabi ng BLVCK Entertainment’s big bosses, Engineers Louie and Grace Cristobal na sabik sila na tapusin ito.

Ang mura lang ng mga ticket- P3,500 (VIP), P2,200 (Gold), and P1,000 (General Admission).

At magkakaroon pa raw sila ng promo rate announcements on Blvck Entertainment and Rekta Sa Kalye social media pages - P2,850 (VIP), P1,700 (Gold), P700 (General Admission). 

For online purchases, visit RektaSaKalye.com or the official Shopee and Lazada pages of Rekta Sa Kalye. Tickets will also be available for purchase through SM Tickets soon.

Sa totoo lang, habang mabagal ang galaw ng ticket selling ng concert ng mga local artist natin, selling hotcakes naman ang mga foreign artist at talagang ginagastusan ng fans.

Sana naman ganundin ang gawin natin sa mga artist natin.

Show comments