^

PSN Showbiz

Good luck ni Alden sa contract renewal ni Kathryn, minasama!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Good luck ni Alden sa contract renewal ni Kathryn, minasama!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

May na­galit palang Kapamilya fan na kasama si Alden Richards sa VTR clip ni Kathryn Bernardo sa pagpirma nito kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.

Sabi ng Kapamilya fan, fee­ling close raw si Alden kay Kathryn at dapat kay Barbie Forteza at Sanya Lopez na lang ito mag-VTR.

Pumalag ang fans niya at ipinaunawa sa Kapamilya fan na hindi siya ang lumapit sa ABS-CBN para isama sa VTR clip na nag-congratulate kay Kathryn. Ikinuwento rin niya ang naging working experience niya with Kathryn na nakapareha niya sa Star Cinema movie na Hello, Love Goodbye.

Sa hectic daw ng schedule nito, wala itong time na lumapit sa ABS-CBN at magpresenta o mag-volunteer na isama siya sa VTR clip for Kathryn kaya tiyak na pinakiusapan siyang magbigay ng mensahe sa dating leading lady.

Ang tagal na ng Hello, Love Goodbye, hanggang ngayon may ilang Kapamilya fans at ilang fans ng KathNiel na galit pa rin kay Alden dahil kumita ang nasabing pelikula.

Paano pa kaya kung matuloy ang sequel ng movie?

Pero wala naman silang epekto sa tambalan nina Alden at Kathryn kaya ok na rin.

Samantala, humabol siya sa last two days ng Manila International Film Festival, nakarampa sa red carpet, nakasabay manood ng Family of Two at sumalang sa Q&A.

Ang ganda ng mga lumabas na larawan ni Alden with Dingdong Dantes, John Arcilla at director Joey Reyes.

Eric, gamit na gamit ng scammer!

Alam na ni Eric Quizon na ginagamit ang photo niya sa dating group sa Facebook na based na “Dating in USA.”

Nakasulat sa DP ng sinumang gumagamit sa photo ni Eric ang “I’m from Manila Albay, Philippines. But I live in New York, United States. I’m new here... hope I’m welcome.”

Mabuti at may nakakita at in-alert ang publiko sa scammer na ito.

Nakarating ito kay Eric o may nagparating na.

Bale ba, may 442,100 members ang nasabing dating group.

Tiyak nagulat si Eric na marami ang magme-message sa kanya.

Halatang fake ang account ang nanggamit kay Eric dahil hindi naman taga-Albay si Eric.

Saka, parang alam ng netizen na scammer ang nasa likod ng account dahil international ang number na ginagamit at ang sabi nga, sa New York siya nakatira, eh alam ko nasa bansa na ang actor / director.

Bagong apo, sakto sa matigas... ni Bong

Ang masayang announcement ni Sen. Bong Revilla na “Meet my apo Lauren Angela Alita Revilla. Lolo na naman si Tolome” at sinundan ‘yun ng post ni Cong. Lani Mercado na “Welcome my new granddaughter Lauren Angela Alita Revilla. Congrats to @jolo_revilla and @angelrevilla_!!! Lola na naman ako.”

Ang ganda ng pagdating ng bagong apo nila dahil airing na this Sunday, 7:15 p.m., ng season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Para i-welcome ang premiere ng series, may pa-grand motorcade sina Bong at ibang cast ng action-packed series sa direction ni Enzo Williams.

Iikot sila sa Taguig, Muntinlupa, at San Pedro, Laguna. May mga request na dumaan sila sa Dasmariñas, at Bacoor, Cavite at sa Batangas.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with