^

PSN Showbiz

Alfred, abala sa pag-aalaga ng bunso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, abala sa pag-aalaga ng bunso
Alfred Vargas.
STAR/ File

Ang sweet naman ng alaga kong si Alfred Vargas na nagbigay ng mensahe sa bago nilang baby na si Aurora Sofia.

Pinanganak ng misis nitong si Yasmine  noong December ang kanilang bunso kung saan naging maselan ang pagbubuntis nito.

Ipinost ng actor-politician ang kanyang video habang karga si Baby Aurora na may caption na “To my dearest Aurora Sofia,

“Nakaka-in love ka sobra!!!”

Lutang ang pagmamahal ni Alfred sa bunsong anak na kitang-kita sa mga ngiti nito.

Dagdag niya, “Thank you for giving me the privilege of being the first man to ever love you!

“Mahal na mahal kita, bunso!”

Siguradong lalaki rin itong maganda kagaya ng mommy at mga ate niyang sina Alexandra at Aryana. Nagmana rin ang unico hijo nilang si Cristiano sa daddy nila.

Pinusuan naman ng netizens ang post ng aktor at tinawag siyang super daddy at napa-sana all pa ang sa kanya.

Magaling makisama, mas nagtatagal sa showbiz!

May isang line ako na hindi makalimutan. ‘Yung  “it is your work that counts, not your talent.”

Totoo nga siguro ‘yung dahil ang talents puwedeng mahasa pero ‘yung work ethics at attitude mahirap baguhin.

Usually you alwavs remember ‘yung nakasama mo sa trabaho hindi dahil mahusay ito kundi dahil mabait siya at mabuting makisama.

Kahit sa showbiz iyon talagang nagtatagal ‘yung talagang alam mo na naging maganda ang pakikisama, hindi ‘yung sinasabing mahusay lang.

Maganda kung mahusay at talented na, mabait pa at masarap katrabaho.

In the long run what is important is that people will remember you as someone who is good, kind, and nice to work with. Ganyan dapat, perfect ‘di ba.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with