Korina nag-expect ng panalo sa Asian TV Awards

Korina Sanchez-Roxas

Sayang naman at dinala pala ni Madame Korina ang kanyang crew with matching coverage sa Asian TV Awards sa Vietnam noong weekend, at ayon sa mga nakakita, click kete click ang camera from her entrance to the actual awarding. May spiel pa raw siya before her ca­tegory saying, “Ngayon, malalaman na natin kung sino ang mananalo.”

Then tsuk, Lotlot de Leon.

Ang tanong, nag expect kaya si Madame Koring na manalo kaya ginastusan ang crew na dala sa Ho Chi Minh City, Vietnam?

Ten years in the making na raw ang movie project dapat ni Dingdong Dantes at kaibigang Senator Bam Aquino? With producer Alem Ang, directors Jules Katanyag and Ayrin Villamor, ito na kaya ang isang historical film na hindi dapat irevise ninuman? Aabangan natin ‘yan!

Nagpremiere night kagabi ang “Roadtrip” movie na isinulat ni Candy Pangilinan para sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop Batch 22 tampok siya at ang mga kabarkadang Janice and Gelli de Belen at Carmina Villaroel; saan na kaya ang ibang outputs na pelikula ng ibang artistang workshoppers ni Sir Ricky na sina Bea Alonzo at Morales na kasama sa Perfect Batch?

Usap usapan pa rin ang matinding impact ng guesting ng Rivermaya sa ASAP Natin ‘To last Sunday; ang tanong, mapantayan o mahigitan kaya ng Rivermaya reunion ang Eraserheads reunion before?

From Miss Saigon to Chicago, bravo kay Red Concepcion na patuloy na iwinawagayway ang galing ng Pinoy abroad ngayon sa Broadway; sana may ganyan ding swerte ang kapatid niyang si Sam! Teka, saan na nga ba si Sam Concepcion?

Nakakata-quote:

Puro PINK ang kulay sa My ShabayShabay Girl trailer. Pass sa rebranding. - Aidon Panlaqui Advertising & Music Writer

Show comments