^

PSN Showbiz

Maki, may mapanakit na mensahe sa HBD!

Pilipino Star Ngayon
Maki, may mapanakit na mensahe sa HBD!
Maki

Bagong kanta ang ibinungad ng rising Kapamilya artist na si Maki sa pagpasok ng 2024 sa kanyang alternative pop single na tinawag na HBD.

Agad namang nanguna ang kanta sa New Music Friday ng Spotify Philippines habang naging cover artist mismo si Maki ng ng nasabing playlist.

 Tungkol ang HBD sa pag-alala sa dating kasintahan sa kaarawan nito at pagmumuni-muni kung tama bang mag-reach out dito o huwag na lang.

Tampok din sa awiting isinulat nina Maki at Nhiko Sabiniano ang pagtanggap sa nagtapos na pag-ibig.

 Inilunsad ni Maki ang awitin sa isang intimate launch party na ginanap noong Enero 7 sa Magdamag Market Café sa Quezon City kung saan nagbahagi siya at ang kanyang fans ng kanilang kwentong HBD o karanasan ng pagkasabik sa dating minamahal sa kaarawan nito.

 Sinusundan ng HBD ang matagumpay niyang EP na Tanong na inilabas noong nakaraang taon tampok ang mga mapanakit ding awitin na Kailan?, Bakit?, at Saan?, ang kanyang biggest hit sa kasalukuyan na meron ng 50 million streams sa Spotify. 

Napapakinggan na ito ngayon sa iba’t ibang music platforms.

vuukle comment

ARTIST

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with