^

PSN Showbiz

Christopher de Leon, ikamamatay ‘pag nag-retire sa showbiz!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Christopher de Leon, ikamamatay ‘pag nag-retire sa showbiz!
Christopher de Leon at Sandy Andolong

Wala sa plano or sa vocabulary ni Christopher de Leon ang retirement.

“No retirements... out of the question. Doon ako lalong madaling mamatay. I mean, I can lie low; you know, accept ‘yung good movies or good offers, but ‘yung talagang completely retire, hindi. Yeah, it’s like this is just being a doctor. Being a doctor, you don’t retire, but you know you just fade away,” mabilis na sagot sa amin ng magaling na actor na sa totoo lang ay aging like fine wine sabi nga nang maka-lunch namin siya kahapon with his wife Sandy Andolong, Nay Lolit Solis, Pat-P Daza, Leo Espinosa, Gorgy Rula and Mr. Fu.

Pero after When I Met You in Tokyo, anong next project niya?

Ito ‘yung MMFF entry nila ni Vilma Santos na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa mga sinehan.

“I’m concentrating on Batang Quiapo pa rin eh. But I have several scripts at hand right now. Medyo timing lang, timing lang. Because of Batang Quiapo ang daming ano eh... Pupunta pa ako ng LA. Meron pang MIFF (Manila International Film Festival.)”

Ahh ilang days ka doon?

“I’ll be there for five days, I think then I will go to my son sa San Francisco. And then meron pa kaming shows ni Tirso (Cruz) by April. So meron akong mga script sa bahay pero hindi ko alam kung kailan ‘yun uumpisahan.

“Mas ikakamatay ko pa ‘yun,” dagdag niyang sagot sa retirement question namin.

Sa Google ay 67 years old na si Christopher.

“I don’t know, I like to just... Maybe direct or produce? Basta nasa entertainment pa rin; that’s the only thing I know.”

Pero anong dream project niya if ever... as a director?

“As a director? Marami. I have several scripts at hand right now. It’s super dami.”

Pero ‘yung particular na artista na gusto mong i-direct? “In mind? Wala pa eh. Depende depende. I have several materials. ‘Yung casting lang ang problema,” sabi pa ng actor na hindi talaga nababawasan ang husay bilang actor kahit dito sa When I Met You.

Ang cool ng acting niya as Joey na sa Japan talaga nahanap ang forever na ginampanan nga ni Ate Vi bilang si Azon.

Anyway, at ang sikreto pala ng actor kaya parang ‘di siya nagkakaedad – hindi siya kumakain ng pork. Matagal na siyang hindi kumakain ng karneng baboy.

At everyday siyang nasa gym na minsan ay maghapon pa raw sabi ng misis niyang si Sandy.

Kinumusta ko naman kay Ms. Sandy ang daughter nila na si Mariel na four years nang nasa New York.

Tinanong daw niya ito kung pwedeng umuwi na lang ng Pilipinas pero gusto pa raw nitong mag-stay doon ng another year.

Masaya si Christopher sa kinalabasan ng MMFF at nagpasalamat siya sa mga nakapanood na ng pelikula at sa mga nagandahan sa kuwento nito.

Firefly, may international screenings na!;

DongYan may ‘tf’ sa rewind, kita aabot na sa P900 million

Aabot na sa UAE at California, USA ang screening ng 2023 MMFF Best Picture awardee na Firefly.

Mapapanood na sa ilang sinehan sa UAE ang Firefly simula Jan. 18.

Kasama rin ang pelikula sa Metro Manila International Film Festival sa Los Angeles, California na ipalalabas mula Jan. 9 hanggang Feb. 2.

Parami nang parami ang nakatutuklas kung saan matatagpuan ang mundo ng mga alitaptap.

Speaking of MMFF, malamang daw na umabot sa P900 million ang kita ng pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Pero ang hatian pala ay 50 % Star Cinema, 25 % APT and 25 AgostoDos Pictures.

At bayad daw ang talent fee nina Dingdong at Marian dito, kumbaga hindi kasama sa kanilang investment.

Anyway, second ang Mallari at agawan na raw sa third, fourth and fifth ang GomBurZa, Firefly at Family of Two.

Although umaasa raw ang MMFF na madadagdagan pa ang more P1.2 billion na kita nito as of yesterday.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with