^

PSN Showbiz

Coco, Angeline at Mccoy, ‘di nakalimot sa itim na nazareno

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco, Angeline at Mccoy, �di nakalimot sa itim na nazareno
Coco Martin

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang panata sa Itim na Nazareno nina Coco Martin, Angeline Quinto and McCoy de Leon.

Si Coco ay dumalo sa Black Nazarene event sa Quirino Grandstand kasama ang ibang devotees.

Aniya: “Sobra sobrang biyaya ang binibigay sa akin ng Poong Nazareno. Ano ang dapat kong gawin? Do’n ko naisip na hindi lang ‘to talento, hindi lang ito trabaho. May dahilan ang Diyos kung bakit niya ko nilagay dito,” sabi ng actor na bida sa Batang Quiapo.

Si Angeline ay dumiretso naman sa Quiapo church pero hindi sya nakasampa sa andas.

Pero dumalo siya sa misa kasama ang partner na si Nonrev. Ito raw ang first time niya raw na hindi nakasampa ayon sa kanyang interview kay MJ Felipe.

Si McCoy de Leon ay hindi pumalya. Sumama siya sa prusisyon at humalik sa Mahal Na Nazareno.

Pero ang napansin lang ng ibang andun, karamihan sa mga sumampa sa andas ay mgaTikToker at andun hindi para mamanata kundi kumuha ng content.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with