^

PSN Showbiz

Jhong, nakunan ang malakas na uga sa Osaka

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jhong, nakunan ang malakas na uga sa Osaka
Maia, Jhong at Zarina

MANILA, Philippines — Na-video ni Jhong Hilario ang lakas ng lindol sa Japan. Nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya sa Osaka.

Nasa 22nd floor daw sila at talagang makikita sa ini-upload niyang video ang lakas ng uga ng building na tanaw sa bintana ng hotel nila. “Earthquake in Osaka, Japan from the 22nd Floor. Thank you Lord, safe kami lahat. Praying for those who are affected,” ang caption niya sa nasabing video.

Kasama niya ang misis na si Maia at anak nilang si Zarina sa hotel room.

Inaaya siya ng misis na bumaba at maghagdan na lang daw sila. “Sabi ko, hindi gagana talaga ‘yung elevator ‘pag ganyan eh. Saka mahirap ‘pag nai-stuck ka sa elevator, hindi ka makakalabas na. ‘Pag nag-stairs naman kami, sobrang taas eh meron kaming dalang bata,” sabi niya sa reel video.

Safe naman daw silang nakababa pero nang tanungin daw niya ang room service na nakita niya, sabi raw nito na normal na ganitong pag-uga.

vuukle comment

JHONG HILARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with