^

PSN Showbiz

Jericho, nawawala?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jericho, nawawala?!
Jericho Rosales.
STAR/ File

Bigla kong naalala si Jericho Rosales dahil nagtanong ang friend naming si Hazel Villaflor.

Siguro favorite actor ni Hazel si Jericho kaya nagtataka siya kung bakit walang project at hindi niya napapanood.

Kaya naman na curious din ako kung nasaan nga si Jericho.

Sayang naman kung nag-retire na at wala siyang project dahil isa siyang mahusay na artista na naging ka-loveteam ni Kristine Hermosa noon.

Nasaan na nga ba si Jericho?

Sure ako na ‘pag active pa siya baka isa siya sa special guest sa birthday ni Hazel Villaflor na pinakabongga na yata sa buong year 2023 kaya naging mainit na topic. Imagine mo meron kang Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Ian Veneracion at Robi Domingo na magkasama sa isang gabi, sino ang makakagawa noon kundi isang Hazel lang, ‘di ba.

Napalabas ang mga tao!                                    

Happy new year. Siguro naman kung naging maganda ang taong 2023 sa atin, mas magiging maganda ang 2024.

Nakikita uli ang pagbangon ng showbiz at mukha namang balik-sinehan na ang mga manonood.

Maganda naman ang resulta ng filmfest at talagang kumita naman ‘yung magagandang pelikula. At talagang lumabas ang mga tao para manood.

Kaya naman siguro nagkaroon na uli ng lakas ng loob ang producers para gumawa ng pelikula.

Sana magbalik-ningning na uli ang mga artista na parang naapektuhan din ng pandemic. One humbling lesson para sa lahat ang pandemic kaya naman mas maingat at lalo pang naging masigasig ang lahat sa trabaho. Better year for us, and happier 2024.

vuukle comment

JERICHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with