Matteo at Sarah, may magical farm
MANILA, Philippines — Mayroon ng isang farm sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Paete, Laguna.
Ayon sa aktor ay importanteng mayroon silang napupuntahan ng Popstar Royalty kapag kailangang magpahinga mula sa kanya-kanyang mga trabaho. “Sometimes we have an area to detach. No signal, no electricity and back to basics. So that’s the whole point of this whole space. We have found the space very magical. And ‘yung energy ng lugar na ‘to sobrang positive,” nakangiting pahayag ni Matteo sa YouTube channel ni Karen Davila.
Apat na ektarya ang laki ng bagong property nina Matteo at Sarah.
Masaya ang mag-asawa dahil nakatutulong ngayon sa ilang mga magsasaka ng Laguna. “We try to teach them proper waste management, proper taking care of the space and give them an income and all these things. That’s what we try to do for them, help and give back,” pagbabahagi ng aktor.
Naniniwala umano si Matteo na hindi pang-habangbuhay ang show business. Bukod sa farm ay mayroon na ring ilang negosyo ang mag-asawa.
Umaasa si Matteo na nakapagbibigay sila ni Sarah ng inspirasyon para sa mga tagahanga. “It’s very, very important to have a diversified portfolio, but again our core business is the show business. Show business is not just all about the fame. It’s not all about the money that we want. It’s more about the change that you can create with the perception of media. Kumbaga kung ano ‘yung nilalabas namin, anong kanta ang nilalabas ni Sarah, anong pelikula ang nilalabas ko, ano ang ginawa natin sa mga vlogs, this inspires, make the next person believe in something more for the next day to become a better person,” makahulugang paglalahad ng aktor.
Cedrick Juan, tinutulak ang Gomburza na panoorin
Mapapanood na simula ngayong Pasko ang Gomburza na pinagbibidahan nina Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan.
Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023. Para kay Cedrick ay kailangang mapanood ng mga Pinoy ang kanilang MMFF entry upang malaman ang malaking bahagi ng ating kasaysayan. “Ang pinaka-significance at ang pinakamahalaga na maibibigay ng Gomburza sa mga Filipino ngayon, ‘yung pagbalik ng identity natin as Filipino. And also, ‘yung malaman natin kung ano ‘yung history natin. So that hindi paulit-ulit na nangyayari, ‘yung mga mishaps and ‘yung mga kagaya nang nasabi sa pelikula na parang ang malas natin sa events and also when it comes to small things na nangyayari sa buhay natin,” makahulugang pahayag ni Cedrick.
Ang pagkakabitay ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomes, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora ay nakapagpaalab sa pagiging makabayan ng mga Pilipino noong 1872. Kabilang na rito ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. “It’s a historical drama and masasabi ko na may pagka-political siya. Kasi it’s the modern time red-tagging. Parang gano’n siya,” pagbabahagi ng aktor.
Kabilang din sa naturang pelikula sina Epi Quizon, Jaime Fabregas, Carlitos Siguion-Reyna, Khalil Ramos, Elijah Canlas, Neil Ryan Sese, Paolo O’Hara, Tommy Alejandrino, Gerry Kaimo, Dylan Ray Talon, Jomari Angeles, Bon Lentejas at Arnold Reyes. (Reports from JCC)
- Latest