Matteo, atat nang magkaanak!
MANILA, Philippines — Mag-aapat na taon nang kasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa darating na Pebrero. Kahit abala sa kanya-kanyang mga trabaho ay nagpaplano na ang mag-asawa ngayon na bumuo ng pamilya. “For 2024 and in the future, sana magka-baby na kami. In God’s time,” bungad ni Matteo.
Nakahanda na umano ang aktor na maging isang ganap na ama. Gayunpaman ay sinisiguro ni Matteo na hindi pa rin niya pababayaan ang mga responsiblidad bilang asawa ng Popstar Royalty. “Readyng-ready (na maging ama). At the end of the day, my priority is my wife and family. So I think that’s part of the plan. But again you can’t plan too hard because it’s God that uses this blessing. So, we just hope for the best and do what we have to do. Whatever comes, whatever happens, happens. Let’s just pray for that,” nakangiting pahayag ng aktor.
Ngayon ay abala si Matteo para sa promotion ng pelikulang Penduko: The Legend Begins. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023 ngayong Kapaskuhan. Kabilang din sa naturang MMFF entry sina John Arcilla, Kylie Verzosa, Albert Martinez, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Vice, suportado ang pagmo-move on ni Kathryn
Isa si Vice Ganda sa mga pinakamalapit na kaibigan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa show business.
Talagang nalungkot ang Unkabogable Phenomenal Box Office Star nang mabalitaan ang tungkol sa hiwalayan ng KathNiel. “Until now I am sad. ‘Yung damdamin ko bilang malapit sa kanilang dalawa, bilang fan nilang dalawa, malungkot. Siyempre parang hindi naman yata normal na magiging masaya tayo kung makikitang may dalawang taong malungkot. Dalawang tao na dating masaya, tapos ngayon hindi na masaya sa piling ng isa’t isa. Normal na damdamin lang katulad ng lahat, malungkot ako,” paglalahad ni Vice sa ABS-CBN News.
Hindi madaling harapin ang epekto ng hiwalayan lalo pa’t umabot ng labing-isang taon ang relasyon nina Kathryn at Daniel. Mayroong payo si Vice para sa mga kaibigan at dating magkasintahan. “I wish them peace, healing and joy. Gusto kong makita sila na masaya ulit,” giit niya.
Noong Martes ay ikinagulat ng netizens sa Instagram ang larawan ni Kathryn na orange ang kulay ng buhok.
May mga nagsasabing nagbabago ng hairstyle ang isang taong nakaranas ng pagkabigo pag-ibig. Para kay Vice ay wala namang masama sa ginawang ito ng aktres. “Sana nakakadagdag ‘yon sa kasiyahan na nararamdaman niya. Kung ano man ang pamamaraan nila ng pag-cope, suportahan natin ‘yon,” pagtatapos ng It’s Showtime host. (Reports from JCC)
- Latest