^

PSN Showbiz

Ang dinakma ng tiyanak

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nung maging isang promodizer si Joemari Quilala sa isang sikat na clothing brand at kilalang bookstore, marami nang nakakapansin ng kanyang kapogian at kakisigan. Binabalik-balikan ng mga customer ang pwesto n’ya lalo na ng mga ka-federacion! (gustong ma-getlak si koya!)

“Hindi naman maiiwasan ‘yun. May mga nagse-segue talaga. Minsan may nagbigay pa ng chocolate at sabihin ko lang daw kung gusto ko pa. May nagyayaya rin na lumabas. Pero syempre ‘di ako sumama. ‘Di naman ‘yun ang trabaho ko.” Pagkukwento ni Joemari. (pwes, sa’kin ka sumama bro!)

Bilang mahilig din s’yang pumunta sa gym, kinarir din n’ya ang pagiging gym instructor. Sinabayan n’ya ito ng pagpo-post ng picture ng kanyang katawan sa social media. Dito na napansin ng isang talent coordinator na pwede s’yang gawing isang talent sa telebisyon. (bro, papisil nga!)

“Kinuha ako sa re-enactment ng isang eksena. Ako ‘yung papahiran ng oil sa katawan. Kwento ng isang sikat na make-up artist kasi ‘yun. Ako ‘yung pinapahiran nung make-up artist.” Pag-alala ni Joemari. (ay willing ako papahid bro!)

Nagsunod-sunod na ang raket ni Joemari. Isa sa mga nagawa n’ya ay nag-viral kung saan ka-eksena n’ya ang isang tiyanak. (ayaw ng anak ni Janice!)

“Re-enactment din po ito para sa KMJS. ‘Yung eksena lasing po kami, marami pong nangyari pero ‘yung napansin ay ‘yung may nakita kaming tiyanak. Tapos dinakma po nung tiyanak ‘yung private part ko.” Paglalahad ni Joemari. (baklang tiyanak?!)

Sa kanyang guesting sa aming Youtube Channel na WTFu, sinabi ng 25 anyos na binata na hindi man n’ya natapos ang kanyang kursong Hotel and Restaurant Management, pinagpupursigahan naman n’ya ang kanyang pagiging gym instructor at talent. Gusto rin daw niyang mas mapatunayan ang kanyang acting skills. (game ako gawin mong partner bro!)

“Meron ako ngayong role na bortang bading sa 24/7. Ginagawa ko naman. Kaya ko naman ‘yung mga ganyan kasi trabaho ‘yan. “ Pagbibida ni Joemari. (kaya ko rin magbading bading bro!)

Marami rin nag-o-offer sa kanya na magpa-sexy, pero ‘yun daw ang ‘di pa s’ya ready. “Ang dami po talagang nag-offer kasi marami pong gumagawa n’yan pero ‘di pa talaga ako maka-go. Hindi pa kasi buo ‘yung desisyon ko. Marami pa po akong kino-consider.” Pagpapaliwanag ni Joemari. (ako ba kino-consider mo bro?!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with