^

PSN Showbiz

Lolit, pinagdiinang lalaki ang gusto ni Lorna

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit, pinagdiinang lalaki ang gusto ni Lorna
Nay Lolit at mga kaibigang Entertainment Press

Pinasagot ng ilang entertainment press si Nay Lolit Solis (sa Christmas blowout ni Sen. Lito Lapid) sa diumano’y ‘feud’ nila ni tita Cristy Fermin dahil kina Lorna Tolentino at Paolo Contis na pakiramdam ng controversial talent manager  / columnist ay ginagawang punching bag ng dati niyang kasama sa digital program na Take It... Per Minute.

Ngayon, ayon kay Nay Lolit, siya ang sinisisi ni LT kung ba’t siya tinatawag na tomboyita. “Galit sa akin si Lorna, ‘no, lalaki raw gusto niya, hindi babae! At naghahanap siya ng dyowa na mag-aalaga sa kanya. Naghahanap siya ng lalaking mag-aalaga sa kanya. Lalaki, ha. Basta pwede siyang alagaan at buhayin, type niya ‘yon. Kailangan may pambuhay sa kanya, hindi pambayad sa caregiver,” katwiran ni Nay Lolit.

Sa kanyang Instagram page naunang naglabas ng saloobin si Nay Lolit tungkol sa umano’y pagbibigay ng malisya ni Nay Cristy sa gender ni LT.

So magkagalit ba sila ni tita Cristy sa totoong buhay?

“Wala akong galit sa kanya. Wala naman akong maisip na dapat kong ikagalit sa kanya. Ngayon ko nga lang naisip ba’t kaya siya galit sa akin? Hindi naman siguro pwedeng sabihing baka naiinggit siya sa akin, wala naman siyang dapat kainggitan, ‘di ba? Wala namang dapat kainggitan, ‘di ba?

 “’Di ba, sinabi ko na nga sa kanya noon, ‘Cristy ‘pag galit ka sa akin, ako ang tirahin mo, ‘wag ano, kasi kawawa naman kasi si Paolo, durog na durog na dahil sa ano, na hindi din alam ni Paolo kung ano ang nagawa niyang kasalanan bakit mo siya binibira.’

 “So ‘yon, tinigilan niya si Paolo that time. Ngayon naman ang hinaharap naman niya si Lorna. Oo, kaya hindi ko na alam ano rason, ‘di ba?

 “Sabi nga ni Lorna, ‘alam mo kaya ako sinasabihang tomboy dahil sa ‘yo, ‘no. Sa akin pa tuloy galit na galit si Lorna ngayon. Oo, galit siya sa akin, kaya raw siya tinatawag na tomboy dahil sa akin.

“Kahit nga sila Bong, ang tawag ko baklitang ano, baklitang Bong,” tuluy-tuloy na litanya ni Nay Lolit.

Dagdag pa niya na ganun talaga kumbaga ang lambing niya sa mga alaga na kahit sina Sen. Bong Revilla at Christopher de Leon ay tinatawag niyang bakla.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with