^

PSN Showbiz

Birthday ni Rhea Tan, dinagsa ng mga sikat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Birthday ni Rhea Tan, dinagsa ng mga sikat
Jane Oineza, Bea Alonzo, Maja Salvador, Rhea Tan, at Sanya Lopez

Bongga talaga ang star-studded birthday ni Rhea Tan ng Beautederm.

Talagang hanga ako sa mga ambassador niyang nakisaya sa kanya nung gabing iyon, patunay na talagang love nila si Rhea Tan.

Present ang mga naglalakihang artista na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Jane Oineza, at Glydel Mercado at marami pang iba.
“My heart is full. I am so blessed to have such precious friends, family, and colleagues. They really made my day special,” kuwento ng business magnate.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rhea sa mga miyembro ng media.
Ang empire ni Rhea ay patuloy pa ring nagce-celebrate ng 14th anniversary.

Pagbibigay halaga ng female entrepreneur sa consumers, “Dahil sa suporta ng consumers, patuloy kaming magpapaganda at magpapabago ng buhay.”

Sa ngayon ay nangunguna pa rin sa merkado ang Beautéderm, na mayroong hangarin na pagandahin sa loob at labas ang bawat Pilipino.

Pagmamay-ari rin ni Rhea ang BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, A-List Avenue, at AKStudios.

Pagtatapos ng Beautéderm chairman, “As we age, we become wiser and better. We also become more aware of our surroundings and the reality that not everyone will applaud us but we should power through anyway. Show them the power of authenticity and humility. And the takeaway in this celebration is that you show up sincerely.”

Sana nga ay hindi siya magbago, dahil alam mo naman ang buhay, iikot lang iyan, nasa itaas ka ngayon at puwedeng mapunta ka uli sa ibaba ‘pag hindi ka nag-ingat.

Walang permanente sa buhay na ito, kaya ingatan mo ‘pag nasa itaas ka na para hindi ka mapunta uli sa ibaba.

Pero dahil mabait at sincere si Rhea puwedeng magtagal pa sa number 1 position ang Beautederm.

Lito, umiwas sa kontrobersya!

Talagang nag-enjoy ang lahat sa paunang Pamasko ni Lito Lapid sa press.

Siya ang naunang magbigay ng lunch para batiin ang lahat ng Merry Christmas kaya naman natuwa talaga ang mga writer dahil kahit busy sked ni Lito Lapid nag-stay siya nang matagal para sa chika chika lang.

Umiwas siya sa controversial questions dahil sabi nga niya pangkaibigan moment ang lunch na iyon. Kaya naman natuwa ang lahat lalo pa nga at unang-una sa lahat na nagbigay-pugay para sa Pasko with the press si Lito Lapid.

Hindi binago ng panahon ang pagiging mabait ni Lito kaya naman siguro magaan sa kanya ang success.

vuukle comment

ACTRESS

BEA ALONZO

MAJA SALVADOR

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with