^

PSN Showbiz

Janella, nahirapan sa mga ginawa nila ni Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, nahirapan sa mga ginawa nila ni Piolo
Janella Salvador

Masayang-masaya si Janella Salvador dahil nakasama sa Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023 ngayong Kapaskuhan. “Hindi talaga ako nagdalawang-isip, it was a very good script. I’m just really thankful to be part of this film. I didn’t expect to be this big of a production. And we were gonna be able to get this collaboration with Warner Bros. I think it’s really a big step na for Philippine cinema and nakaka-proud,” nakangiting pahayag ni Janella.  

Marami nang nagawang horror film ang aktres.

Para kay Janella ay talagang malaki ang pagkakaiba ng kanilang MMFF entry sa kanyang mga pinagbidahan noon. “Iba ito, and marami na rin akong horror sa background ko. It’s really a different film. The bigness of it pa lang, it’s a really big production. Story-wise, napakaganda ng script. It’s really interesting kasi it’s inspired by a true person,” giit niya.

Nahirapan umano si Janella sa mga eksenang ginawa nila ni Piolo sa pelikula. “Siguro, ‘yung hindi ka ma-intimidate kay Papa P kapag kaeksena ko siya, doon ako nahirapan. Aside from that, I’ve done a lot o horror stuff already. This one is really different. I tried to make it different from my roles before. I think that was the challenge,” pagtatapos ng aktres.

Alessandra, sumabak sa culinary course

Ginampanan ni Alessandra de Rossi ang karakter ni Chef Ella sa Netflix original series na Replacing Chef Chico.

Kasamang nagbida ng aktres sa naturang 8-episode series sina Sam Milby at Piolo Pascual.

Kahit nakapagluluto sa tunay na buhay ay kinailangan pa raw sumabak ng dalaga sa 1-week culinary course bago simulan ang taping para sa serye. “Ako kasi sa cooking sa totoong buhay, I’m kind of a kung ano nandiyan, bara-bara. Ilagay mo diyan, try mo ito, okay. Basta at least alam mo na tama ‘yung timpla in your head, tama ‘yung temperature, tama ‘yung pag-blend ng lahat, okay ang lahat. You can do anything ika nga. You just make sure that they blend together and you’re doing it with the right temperature,” pagbabahagi ni Alessandra.

Sumakit daw talaga ang paa ng dalaga habang ginagawa ang proyekto dahil sa madalas na pagtayo sa kusina. “’Di ba supposedly may sapatos na pang-chef para ‘di ka mahirapan kasi nakatayo ka the whole day? Ang sakit talaga kasi nakatayo talaga kami the whole day. Umuupo na ako sa kitchen counter. Wala na akong pakialam kasi wala ka talagang mauupuan do’n eh. Tapos lahat ng scenes n’yo nando’n. Tapos ang sakit talaga sa paa. As in na-realize ko hindi pala tama ‘yung tayo ko. Naayos ko lahat ‘yon. Na-correct ko lahat ‘yon dahil sa Replacing Chef Chico,” kwento ng aktres.

Samantala, mahigit dalawang dekada nang aktibo sa show business si Alessandra.

Sa maraming taong nakalipas ay natutunan na ng aktres kung paano tatanggapin ang bawat naririnig mula sa mga manonood ng kanyang mga proyekto. “Ako, balance lang. Parang kung hindi ko gusto ito, hindi ako maniniwala sa inyo. Same as hindi rin ako maniniwala ‘pag sinabi mong ang ganda-ganda mo. Siyempre you know kung ano ‘yung dapat mong pakinggan. And sana hindi ka surrounded by yes people. Parang laging sasabihin ang galing mo, sobrang ganda ng lahat ng ginagawa mo. Parang ang weird naman ng gano’ng klaseng life ‘di ba? Balansehin mo lang, parang more of i-filter out ba ‘yung noise. You will know kung ano ‘yung noise lang,” makahulugang paliwanag ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with