^

PSN Showbiz

Aktor, kakasuhan ang karelasyon na nananakit!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mas masalimuot itong mga nasasagap naming kuwento tungkol sa iba pang showbiz couples na kinumpirma sa aming hiwalay na.

Mahirap maipaliwanag kung bakit mas mainit, mas marahas ang ibang magkarelasyon na naging pisikalan na ang pag-aaway.

May nakarating sa aming kuwentong mas naging worst na ang madalas na pag-aaway ng magkarelasyong ito. Natuloy na raw sa hiwalayan dahil umabot sa sakitan.

Nagdududa ako sa isyung sakitan dahil kilala ko naman si aktor na napakabait at parang ‘di niya kayang manakit ng babae.

Nawindang ako! Hindi pala si aktor ang nanakit kundi si aktres!

Sa sobrang bait ni aktor, tinatanggap niya ang sampal, batok at tadyak ni aktres sa kanya.

Hindi naman ito matanggap ng mga taong nagmamahal kay aktor, kaya pinaghiwalay na siya, at ang latest pang nabalitaan namin, nakipag-usap si aktor sa abogado para sa posibleng pagsampa ng kaukulang kaso laban sa dating karelasyon.

Grabe! Umabot na sa ganito ang mainit na pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sayang!

Nakilala namin si abogadong kinausap ni aktor, pero ayaw niya magsalita tungkol dito.
Iniba-iba namin ang tanong hindi pa rin namin mahuli.

Kaya, ewan ko kung aabot ito sa demandahan at lalo pang lumaki at makakalkal ang kuwentong ito ng kilalang showbiz couple.

Epekto kaya ito ng Mercury Retrograde?

Mamasapano, mapapanood na rin sa NETFLIX

Ang dating sexy actress na si Barbara Milano ang isa sa panggulat ni Atty. Ferdie Topacio nang inilunsad niya ang mga bagong mukhang ima-manage ng Borracho Film Production.

Iniharap niya sa ilang entertainment media ang mga bagong mukha na makikipagsapalaran sa showbiz, na sina Fiona Phoebe, Tala Zaldivar, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella at ang nagbabalik na si Barbara Milano.

Napanatili pa rin ni Barbara ang ganda kahit 40 plus na siya.

Sabi naman niya, hindi na raw siya naghahangad na magbida pa. Ang gusto lang daw niya ay makabalik siya sa pag-aartista at makakasama ang mga movie press na sobra raw niyang na-miss.

Nanariwa tuloy sa amin ang guesting niya sa Startalk na kung saan sinagot niya ang pagkaka-link niya sa isang kilalang male celebrity.

Ayaw ipabanggit ni Barbara ang pangalan ng male celebrity na ito na lalo pa itong sumikat sa larangan ng pulitika.

Inamin ni Barbara na minahal niya ang taong ‘yun at naging emotional siya dahil tatlong taon din pala ang kanilang relasyon.

Hindi lang daw naging maganda ang guesting niya sa Startalk na kung saan ay sinagot niya ang intrigang ‘yun, pero nabanggit niya ang pangalan.
Doon na raw nagkagulo at natapos na rin ang kanilang relasyon. “Tandang-tanda ko po. Dun ko binanggit ‘yung name niya, dun na po nagka­gulo na e.”

Garalgal na ang boses ni Barbara nang patuloy siyang nagsasalita dahil bumalik sa kanyang alaala ang karanasang ‘yun.

Matagal na palang magkaibigan sina Barbara at Atty. Topacio at alam daw ang kuwento ng buhay niya. Kaya ipinagkatiwala niya sa celebrity lawyer ang pagbabalik niya sa showbiz.

Doon sa launching ng mga bagong talents ng Borracho, ay in-announce na rin ni Atty. Topacio na simula Dec. 1 ay mapapanood na sa Netflix ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Sabi naman ni Atty. Topacio, solid ang suporta niya sa movie industry at isa siya sa naghahangad na maging matagumpay ang mga pelikula natin sa sinehan.

Kaya okay lang daw na ibebenta niya sa streaming app ang mga pelikula nila, pero dapat na maipalabas muna sa mga sinehan.

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with