^

PSN Showbiz

Kim at Paulo, ang lakas ng ‘sexual tension’!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim at Paulo, ang lakas ng �sexual tension�!
Paulo at Km
STAR/ File

Xian spotted na may ibang kasama?!

Patok at talagang pinagkaguluhan ng netizens ang inanunsyong local adaptation ng ABS-CBN at Viu para sa K-drama na What’s Wrong With Secretary Kim, na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, matapos itong makakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media.

Ibinahagi ni Kim na nasasabik na siyang bigyang buhay ang papel niya bilang ang cute at propesyonal na si Secretary Kim sa Viu Original adaptation. “I’m very happy to do this project and to be the Secretary Kim of the Philippines. Lalagyan namin ng taste of Filipino touch,” sabi niya sa isang interview sa TV Patrol kamakailan.

In all fairness, super swak kay Kim ang nasabing character na kikay talaga.

Kaya naman excited na rin si Paulo na gampanan ang karakter niyang si Mr. Vice-Chairman na may pagka-seryoso pero malambot din ang puso. “I’m very blessed and grateful that they considered me to be Vice-Chairman. Grabe ‘yung pressure sa akin so I’m trying my best to look the part and play the part properly,” sabi niya.

Ipinakilala na rin ng ABS-CBN at Viu ang iba pang mga aktor na magdadagdag ng kulay sa inaabangang romantic-comedy series.

Kasama sa cast ng serye sina Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik.

Kwento ang What’s Wrong With Secretary Kim ng isang istriktong vice-chairman mula sa malaking kumpanya na mai-inlove sa mahusay niyang sekretarya pagkatapos nitong ianunsyo na magre-resign na siya.

Ang local adaptation para sa What’s Wrong With Secretary Kim ay gagawin sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at ipapalabas ngayong 2024.

Ang lakas ngayon ng tambalan nina Kim at Paulo na nag-umpisa sa kanilang trending drama series na Linlang. Nakita ang lakas na umabot daw talaga sa totoong buhay dahil ayon nga sa source ay wala na raw talaga sina Kim and Xian Lim at sina Kim at Paulo.

Ramdam din daw ang ‘sexual tension’ sa kanila na nagpapa-excite sa mga manonood.

Spotted naman diumano si Xian na may kasama sa isang event. Busy raw ngayon ang actor sa binuksan nitong gym.

Nanatiling tahimik si Xian at ganundin si Kim sa tunay na naganap sa kanilang relasyon.

vuukle comment

ABS-CBN

KIM

PAULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with