Dennis, Andres ang bagong pangalan…

Jennylyn at Dennis
STAR/ File

Nasita ni Jennylyn sa ‘banyo’

Favorite spot ni Dennis Trillo ang banyo nila ni Jennylyn Mercado. Ito ang napansin ng kanyang followers sa TikTok.

A day ago nga ay meron itong slip back challenge sa banyo.

At napa-comment pa ang kanyang misis na ‘Bakit ba favorite mo diyan sa banyo!?’

May sumagot na “Dyan kasi nagiging creative ang mister mo.”

Nakailang TikTok video nga naman ito na pulos sa banyo kinunan.

Malaki naman ang banyo pero, nagtataka sila ba’t doon daw.

Anyway, true kayang strict si Jennylyn kay Dennis?

Yup, kumakalat na ‘Andres’ na ang pangalan ni Dennis.

As in mas may authority raw ang misis kesa mister na sa common language ay under de saya.

Show comments