Joey at Tito, may ‘reaction’ na sa inilalaban sa EB?!
Magkasunod ang post nina Joey de Leon and Tito Sotto kahapon.
Si Joey ay may quote sa suot na t-shirt na “The beginning of wisdom is to call things by their proper name.”
At ang inilagay niyang caption : “Wala kaming paki sa COMPETITION. Ang habol namin ay COMPLETION ng 50 years of noontime hosting! Less than 3 years to go kung isasama stint namin sa Student Canteen. Konting tiis na lang!,” aniya sa X, dating Twitter.
Si former senator Tito naman ay “You make a mistake once, forgivable. You make the same mistake twice, unforgivable!”
Pinag-uusapan na may koneksyon diumano ito sa ilalabas na decision sa Copyright Infringement and Unfair Competition under R.A. No. 8293 ( Intellectual Property Code of the Philippines, with Application for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction) ng E.A.T hosts sa Eat Bulaga / TAPE Inc.
Natapos na nga raw noong Oct. 23 ang hiring sa kasong ito sa Marikina Regional Trial Court Branch 273.
Ayon sa ilang sources, medyo sumablay daw ang sagot ng ibang witness ng E.A.T - lalo na nung tanungin ang ilang witness ng TVJ kung sino ang nagpapasweldo sa kanila na ang sagot daw ay sponsors / advertisers pero may inilabas diumanong dokumento ang inireklamo.
Anyway, any moment daw ay lalabas na ang resulta at abangan nating lahat kung sino ang totoong nanalo.
- Latest