Matapos pagdudahang buntis...Alex, nag-iba na ang awra

Alex Gonzaga-Morada at Toni Gonzaga

Seven years old na pala ang eldest nina Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga na si Seve.

At may post si Alex Gonzaga-Morada sa naganap na celebration ng kanyang first pamangkin.

“Birthday celebration of our OG baby Seve! Yes mga titas of Manila, ang tanda na talaga natin kasi 7 yrs old na si seve! ”

Bukod sa maraming nabibilisan sa panahon dahil parang ‘di raw nila namalayan na seven years old na pala ang nagdaan pagkatapos manganak si Toni Gonzaga, ang tanungan ng kanyang followers ay “Preggy na ba ate Alex.”

Iba na raw ang awra nito sa mga picture na parang kahit flat pa ang tiyan ay parang may sign daw na magkaka-baby na ito.

Nauna na kasing nag-post si Alex na nagpapasalamat sila ng mister niyang si Alex Morada sa magandang nangyari sa kanila matapos ang mapait na karanasan or something to that effect.

Maalalang hindi kaagad nagsalita ang sister niyang si Toni nang mabuntis ito sa second baby nila ni Direk Paul.

Kundi pa siya binigyan ng baby shower ng mga friend nila sa political circle sa pangunguna ni First Lady Liza Marcos na kamag-anak ni Direk Paul, sa isang five star hotel sa Makati, hindi ito malalaman sa social media. Ganito rin daw kaya ang gawin ni Alex?

Show comments