^

PSN Showbiz

Sharon, naninibago sa gagawin nila ni Gabby sa concert

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon, naninibago sa gagawin nila ni Gabby sa concert
Gabby at Sharon
STAR/ File

Sa Oct. 27 na gaganapin ang Dear Heart: The Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa SM MOA Arena.

Ayon sa Megastar ay hindi raw manonood ng naturang concert ang asawang si Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel. “Pinag-usapan na namin ni Kiko. I want to shield them from anything that people might say. They are solid Sharon-Gabby fans up to this day. My husband is the coolest. He’s very supportive. When this Dear Heart concert was first announced, he simply said, ‘Sana naman matuloy na ‘yan.’ This is for our audience and I don’t think kailangan pang makita ng asawa ko’t mga anak ko ‘yon, except for KC of course.” nakangiting kwento ni Sharon.

Excited na ang aktres na masaksihan ng kanilang masugid na mga tagahanga ni Gabby ang muli nilang pagtatanghal sa entablado. “Naninibago nga ako, the concert is a brand new experience after so many decades na may gagawin kaming dalawa and we’re working together again. Excited ako at masaya. It has been so long that our followers have missed us together. Kahit tumayo lang kami, may effect na. Chemistry is something that cannot be created. It’s either there or not. Gabby and I always have that, no matter what,” giit niya.

Kahit halos apat na dekada nang hiwalay sina Sharon at Gabby ay nanatili namang magkaibigan ang dating mag-asawa. Malaki ang pasasalamat ni Sharon sa aktor dahil sa pagiging mabuti nitong ama kay KC. “I will always be thankful to Gabby that he’s the father of my eldest daughter KC. I will always respect the good time that we shared. I will always remember him fondly,” pagtatapos ng Megastar.

Nina, laging nakakaramdam ng kaba

Pitong taong gulang na ngayon ang anak ni Nina na si Ysabelle Louise. Ayon sa Soul Siren ay mahilig ding kumanta ang bata katulad niya. “Even before when she was smaller pa when we were like in the car, she would listen to an old song. And pag-uwi namin ng bahay, alam na niya ‘yung kanta. Aware naman siya na singer ako. She knows, she can see it. Minsan nagugulat siya na mayroong mga nagpapa-picture,” pagbabahagi ni Nina.

Bilang ina ay hindi raw masyadong istrikto ang singer sa anak. Kung sakaling gustuhin mang sumabak sa show business ay hindi raw pipigilan ni Nina si Ysabelle Louise. “I will encourage her if she likes to sing. Whatever she wants to do, I will encourage her. I feel so confident now knowing that I have a daughter. I have someone given to me by the Lord and I feel so confident na babae pala ako,” nakangiting pahayag ng Soul Siren.

Samantala, sa Nov. 8 ay gaganapin ang Only Nina na birthday concert ng singer. Para kay Nina ay talagang kailangan itong pakaabangan ng mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa kanya sa loob ng mahigit dalawang dekada. Si John Prats ang magiging direktor para sa naturang concert na gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura. “Mayroong pagka-nostalgic and of course we would not want to leave out naman the younger ones. Pero nakakagulat din na the younger ones ay alam ‘yung songs ko like Someday. This is going to be the first one na magkaka-work kami together ni John Prats. Kapag mayroong ideas si direk, iko-consider. And gano’n din kapag mayroong akong ideas. Kinakabahan pa rin ako,” pagtatapos ng singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

GABBY

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with