^

PSN Showbiz

Anak ni Jhong naka-1 milyon followers na, pinakabatang vlogger!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Jhong naka-1 milyon followers na, pinakabatang vlogger!
Jhong Hilario at Sarina

Ang bongga naman ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina dahil may one million followers na ito sa Facebook.

Anak ni Jhong si Sarina sa kanyang longtime partner na si Maia Leviste Azores.

Talagang kinaaaliwan ang bagets ng netizens kaya naman sa edad na dalawang taon ay ganito na karami ang followers niya dahil sa hatid nitong good vibes at sa ka-cute-an nito.

Kamakailan nga ay um-attend na rin ito ng ballet class at ‘di imposible na magmana siya sa galing ng tatay niyang magsayaw.

Pinakilala nga itong pinakabatang vlogger sa Pilipinas dahil bibong-bibo ito tuwing nagva-vlog.

Isa na talaga ang anak ng It’s Showtime host sa celebrity babies na tinututukan ng netizens ngayon.

Sec. Niña, lapitin

Excited ako sa lunch namin tomorrow dahil marami kaming chika kay Sec. Niña Taduran. Kasi nga balita namin na ang dami talagang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong.

Ang sarap ng puwesto ni USec. Niña dahil puwede siya talagang makatulong. Dahil na rin sa good performance niya kaya nagagawa niya ito. Tulad din na kahit saan siya ilagay lahat nagagawa niyang maayos ang trabaho kaya naman bongga ang resulta.

Sana nga ay mas tumaas pa ang puwesto ni Niña para mas marami siyang matulungan.

vuukle comment

ACTOR

JHONG HILARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with