^

PSN Showbiz

Alfred, may pinaplano

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, may pinaplano
Alfred Vargas

Gusto ni Alfred Vargas na magkaroon ng isang lunch o dinner na magkasama-sama lahat ng mga alaga ko.

Ginawa na namin iyon noong buhay pa si Rudy Fernandez sa bahay nila ni Lorna Tolentino sa White Plains. Pero ngayon parang ok ng wala dahil parang standstill naman ang mga career nilang lahat dahil na rin sa pandemic.

Mabuti na nga lang ay very busy pa rin sina Bong Revilla, Lorna Tolentino, Benjie Paras, Paolo Contis, Christopher de Leon, Sandy Andolong, Lani Mercado, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Gladys Reyes, at sila Robert Ortega naman sa politics busy kaya hindi masyadong hinaharap ang pelikula.

Si Michelle Ortega happy na sa career ni Ysabel Ortega at sa piling ng asawa kaya tahimik na ang buhay.

Napakasuwerte ko sa mga alaga ko na parang mga anak ko na rin kaya naman laging nakabantay sa kung ano ang lagay ko.

Ang sarap sa pakiramdam na may parating nagche-check at nag-aalala sa iyo. Kaya masasabi ko talagang suwerte ako sa mga alaga ko dahil damang-dama ko ang pagmamahal nila sa akin. Kahit alam kong abala sila, hindi pa rin nila ako nakakalimutang kumustahin.

Para nga akong may medical bulletin dahil check sila nang check kung ano ang lagay ko.

So happy and contented with my life now kaya naman no problem.

vuukle comment

ACTOR

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with