Beteranang aktres na si Angie Ferro, pumanaw na

Angie
STAR/ File

Pumanaw ang veteran actress na si Angie Ferro.

Noong isang taon pa nagkaroon ng karamdaman ang actress at nangailangan ng tulong.

Nagkaroon daw ito noon ng dalawang stoke kaya nai-confine sa isang hospital sa Bulacan.

Lumabas si Ms. Angie sa programa ng GMA 7 na Amaya, Lola Igna (2019 entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan siya nanalo ng Best Actress), sa pelikula ni Direk Lav Diaz na   Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino at may mahalaga rin siyang papel sa pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Chito Roño ganundin sa mga pelikula nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, at marami pang iba.

Show comments