Yves at Gillian, MU na hindi?!

Gillian Vicencio at Yves Flores

Cute ng loveteam nina Yves Flores and Gillian Vicencio na naunang nakilala sa teleseryeng 2 Good 2 Be True na pinagbibidahan ng KathNiel - Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Bibida sila sa spin off ng programa na Retox.

Ang lakas ng kilig sa kanila.

Pero ayaw nilang umamin na sila na.

Ayon kay Yves, “Wala naman pong aaminin eh. Ganito talaga kami ni Gillian. Siguro ‘yun din ang napapansin ng iba, na akala nila kami. Pero kasi ganito lang kami. Ganito ‘yung way namin. Minsan hindi kami okay eh. Minsan hindi kami nagpapansinan pero minsan ganito kami. Ito ‘yung natural na kami,” banggit ni Yves kahapon.

Sa ngayon daw ay trabaho muna sila.

“For now po, trabaho po muna, tapos tingnan po natin kung saan po talaga siya papunta. Kasi masaya naman po kami. . .” sagot naman ni Gillian habang panay ang lambingan nila sa media conference kahapon.

Para kasing sila na talaga.

Mag-jowa ang galawan kahapon.

So tinanong namin na baka naman may MU na sila.

Nagtanong pa si Gillian kung ano ba ‘yung MU.

“Ahhh... walang label pero kami? Gano’n? MU? Gano’n po ba ‘yun?”

“Siguro naman po meron. Mutual understanding about each other’s feelings. Ganu’n,” sagot ng young actress na kahapon naka-experience ng solo presscon.

Nagsimula na kagabi (Aug. 1) ang serye sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment na mapapanood ito mula Martes hanggang Biyernes for two weeks (8 episodes).

Show comments