^

PSN Showbiz

Richard at Lucy mabilis naka-adjust sa kani-kanilang pwesto, nagbabasa ng libro na pabaliktad!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard at Lucy mabilis naka-adjust sa kani-kanilang pwesto, nagbabasa ng libro na pabaliktad!
Richard at Lucy
STAR/ File

Aminado si Rep. Richard Gomez na hindi na siya nanibago sa trabaho sa Kongreso.

Chief of staff si Goma noon ni now Ormoc Mayor Lucy Torres.

Naka-one year na ang mag-asawa sa kani-kanilang posisyon.

“Naging madali ‘yung transition ko from mayor to Congress. Saka nung time na mayor ako, marami akong sinet-up na mga program but hindi na ma-hit talaga ‘yung term mo na three years. Sad to say, but it’s really short.

“Nagsisimula pa lang tumakbo ‘yung programa mo, nag-eeleksyon ka na. Mabuti na lang, nandun si Lucy. Na-continue ‘yung magandang mga program,” banggit ng dating actor.

At malaking tulong aniya ang pagiging mayor muna niya nung pumasok  sa Kongreso. “Congress is a good plaform if you’re coming from being an LGU.  Executive, ‘no.

“Ang laking tulong ng pagka-mayor ko when I stepped into Congress. Kasi lahat ng ginagawa namin sa Congress, ini-implement lahat ng LGU.

“The same manner kay Lucy, lahat ‘yun, na-experience niya lahat. Now that she is the mayor, ini-implement niya lahat nung mga ginawa nila sa Congress dati.

“What’s important, you understand ‘yung trabaho, e. If you don’t understand what you’re doing, mahirap, e. Hindi mo alam kung saan ang direction mo,” paliwanag pa ni Cong. Goma sa amin.

Nang kumustahin naman namin ang unang taon ni Cong. Lucy bilang ina ng Ormoc? “What I thought would have been a very strange world did not seem that way because I had two years of being based here during the pandemic, and always on the LGU [local government unit].

“So, nakikita ko na ‘yung how an LGU is really run. So, parang hindi ‘yung bigla-biglaan. There was actually a transition.

“And it’s really helpful because he built a really efficient team. And most of the projects or most of the programs that I have now are really just built up on the ones that he has established during his term.

“Tinuluy-tuloy because those are very strong programs, and everything was in place. So, built up on it lang.”

Si Mayor Lucy ang kasalukuyang chairperson ng Regional Development Council (RDC) ng Eastern Visayas.

Samantala, aminado ang mag-asawa na ‘di na uso sa kanila ang ‘date.’ “Kasi saan kami pupunta galing opisina. Uwi na lang na kami doon sa bahay,” sabay tawa ni Mayora na nakikinig sa sports psychologist na dapat ay may ginagawa ka minsan na bagay na hindi pangkaraniwan para maging productive. Example raw na magbasa ka ng libro na pabaliktad. “Just to shake things up.”

Kaya naman nang magkaroon sila ng LGU night, pinasayaw niya lahat ng department heads at pinangunahan nila ni Goma na aminadong may stage fright.

Samantala, bilang parangal sa mga patron ng lungsod na sina San Pedro at San Pablo, pinagdiriwang ng Ormoc City ang Piña Festival tuwing buwan ng Hunyo – 23 to 28.

Bukod sa Piña Festival Dance Showdown, nagkaroon din ang Miss Ormoc 2023 sa Ormoc City Superdome kung saan naging host sina Iza Calzado and Piolo Pascual with Senator Imee Marcos. Nagkaroon din ng Lechon Kumbira (lechon fest) kung saan 14 ang kasali na ang isa sa mga naging hurado ay si Marc Logan.

Sumama naman sa Piña Fest parade ang Kapamilya young actor na si Seth Fedelin.

Nagkaroon din ng concert ang OPM legends na sina Marco Sison at Bituin Escalante, ganundin si Vice Ganda.

Walang bayad ang mga nasabing concert kaya talagang dinagsa ito ng hindi lang mga taga-Ormoc kundi maging ng mga ibang bayan sa Estern Samar.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with