^

PSN Showbiz

TV5 at ABS-CBN nagpirmahan ng 5-year deal! GMA inaming wala nang TV war, Kim at Anne mangiyak-ngiyak!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
TV5 at ABS-CBN nagpirmahan ng 5-year deal! GMA inaming wala nang TV war, Kim at Anne mangiyak-ngiyak!
(From L-R: ABS-CBN Head of Finance Operations, Catherine C. Lopez, ABS-CBN Chief Partnership Officer, Roberto V. Barreiro, ABS-CBN Chief Operating Officer, Ma. Socorro V. Vidanes,ABS-CBN President & CEO, Carlo L. Katigbak, ABS-CBN Chairman, Manny L. Lopez, MediaQuest Holdings Chair, Manuel V. Pangilinan, TV5 President, Guido R. Zaballero, MediaQuest Holdings President & CEO, Jane Jimenez-Basas, PLDT Head of Business Transformation, Victorico P. Vargas, TV5 CFO, Pierre Paul S. Buhay)

Nilagdaan ng TV5 at ABS-CBN ang limang taong content agreement na lalong nagpapatibay sa kanilang partnership na nangangakong mag­hahatid ng premier TV entertainment sa mga Filipino audience.

Ang deal ay nagbibigay-daan sa TV5 at ABS-CBN na magpatuloy sa pagbibigay ng mga top-rated na programa sa weekday, weekend, at Sunday primetime slots. Tulad ng FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, Dirty Linen, ­at The Tale of Nokdu.

Ang mga weekend at Sunday slot ay nakatakdang punan ng Everybody Sing at ASAP Natin ‘To, ayon sa pagkakabanggit.

Bukod pa sa content agreement na ito, ang TV5 at ABS-CBN ay nagtutulungan sa co-production deal para sa dalawang bagong afternoon soap – Pira Pirasong Paraiso at Nagbabagang Damdamin – na nakatakdang ilunsad sa Hulyo bilang bahagi ng reinforced Hapon Champion block ng TV5.

Ito ang una sa maraming proyekto bilang bahagi ng kanilang pangako na creative collaboration.

Kim at Anne

Kinahapunan naman ay ang nakipagpirmahan din ng kontrata ang ABS-CBN at GMA para sa co-production agreement sa programang It’s Showtime na mapapanood na GMA’s free-to-air channel, GTV, starting July 1 (Saturday).

Present sa pirmahan ng kontrata ang mga executive ng GMA at ABS-CBN.

Sinabi naman ni Atty. Felipe Gozon sa nasabing contract signing na “TV war is over.”

Makikita naman sa live streaming nito na ma­ngiyak-ngiyak sina Anne Curtis and Kim Chiu na tiyak na mapapanood na rin sa mga programa ng GMA ngayon para i-promote ang Showtime.

Ito na nga yata ang sign na tututukan na lang ng ABS-CBN ang pagiging content creator kesa muling kumuha ng franchise.

vuukle comment

ABS-CBN

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with