Lola ni Coleen Garcia, parang ‘di tumanda

Tata Syra
STAR/ File

Mapapatunayan na “age is just a number” dahil ipapakilala ni Bernadette Sembrano si Tata Syra Garcia, ang 70 taong gulang na lola ni Coleen Garcia, na nag-viral sa internet dahil sa kanyang boudoir birthday photoshoot, sa Tao Po ngayong Linggo (Hunyo 25) mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z.

Habang sabay na nag-eehersisyo, pag-uusapan nina Bernadette at Tata Syra ang tungkol sa mga paksa ng pagtanda, pagiging totoo sa sarili, at pagpapalakas ng mga kababaihan.

Samantala, bumiyahe ang ABS-CBN News chief of reporters na si Jeff Canoy sa gitna ng Sierra Madre sa Nueva Ecija para bisitahin ang isa sa mga tinatawag na “last mile schools.” Sa pamamagitan ng ulat ni Jeff, makikita ng mga manonood ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga guro at estudyante dito at kung paano nila nalalampasan ang mga balakid na ito araw-araw.

Pumunta naman si Kabayan Noli De Castro sa Alfonso, Cavite para tingnan ang bagong paraan ng pagsasaka ng mud crab gamit ang condominium style cases.

Sa kanyang panayam sa Magandang Buhay noong Martes, ipinahayag ni Bernadette ang kanyang kasiyahan sa bago niyang show.

Show comments